in

607,904 application forms, handa na para sa mga click days ng Decreto Flussi 2023

Mahigit 600,000 ang mga aplikasyon na nasagutan at handang-handa na sa mga click days para papuntahin at para i-empleyo ang mga mangagawang dayuhan sa Italya sa ilalim ng Decreto flussi 2023, na nagpapahintulot sa pagpasok ng 136,000 foreign workers.

Ayon sa Ministry of Interior, sa pagitan ng October 30 hanggang November 26, sa ALI portal (ang official website ng Sportello Unico per l’Immigrazione) ay naihanda ang 607,904 application forms kung saan; 253,473 ang para sa non-seasonal subordinate job, 260,953 sa seasonal job; 86,074 para sa family at social-healthcare sector“.

Ilang workers ang maaaring makapasok sa Decreto Flussi 2023?

May kabuuang 136,000 non-EU workers ang regular na makakapasok sa Italya sa ilalim ng Decreto flussi 2023: 52,779 entries para sa non-seasonal subordinate work, 680 entries para sa self-employment at 82,550 entries para sa seasonal subordinate work.

Upang mapadali ang proseso, matatandaang mula October 30 hanggang November 26, 2023, ay nagkaroon ng posibilidad para sa pre-compilation sa pamamagitan ng ALI Portal.

Sa pagtatapos ng panahon ng pre-compilation, 607,904 ang mga application forms –  partikular, 253,473 ang para sa non-seasonal subordinate work, 260,953 sa seasonal job; 86,074 sa family at social-healthcare sector.

Ang mga application forms ay maaaring ipadala online sa mga itinakdang araw ng click days:

  • Simula 9:00 am ng December 2 (para sa non-seasonal job);
  • Simula 9:00 am ng December 12 (para sa family & health care sector);
  • Simula 9:00 am ng December 12 (para sa seasonal job);

Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala online sa website https://portaleservizi.dlci.interno.it/ at kinakailangang ang pagkakaroon  ng SPID o CIE.

Ang lahat ng mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang Decembre 31, 2023. Sakaling ang aplikasyon ay hindi pumasok sa quota batay sa chronological order ng pagsusumite, ang employer ay makikita sa ALI website ang status na “Ang aplikasyon ay out of quota”.

Nasasaad sa joint circular ng Ministry of Interior, Labor and Social Policies, Agriculture, Food Sovereignty and Forestry, at Tourism ang implementing rules o pagpapatupad ng dekreto ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro ng October 27, 2023 ukol sa pagpasok ng mga non-EU seasonal at non-sesonal workers para sa tatlong taong 2023-2025, na inilathala sa Official Gazette no. 231 ng October 3, 2023.

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asseverazione, kailangan ba ng mga colf at caregivers?

Christmas bonus ng mga colf, paano kinakalkula?