Ang pag-adjust ng mga orasan ng isang oras paabanti o ang tinatawag na Daylight Saving Time (DST) at ora legale naman sa wikang italyano ay hindi magbabago, sa Europa o sa US man.
Ang daylight saving time o ora legale 2025 ay hindi mapapa-aga. Fake news ang kumalat kamakailan ukol sa pag-adjust ng oras nang mas maaga kaysa sa nakagawian.
Tulad sa nakaraan, sa taong 2025, ang daylight saving time ay magaganap sa huling Linggo ng Marso, na sa taong ito ay tatapat sa ika-30.
Ang parehong patakaran ay sinusunod sa buong Europa, dahil ito ay alinsunod sa mga direktiba ng EU na nagtatakda na ang pag-adjust ng orasan paabanti ng isang oras ay dapat maganap sa huling Linggo ng Marso sa lahat ng bansa sa EU sa ganap na 0:00 UTC—ang oras sa Greenwich—na katumbas ng 2 alas-2 ng madaling araw sa Italya.
Samakatwid, eksaktong magaganap ang pag-adjust ng mga orasan ng alas-2 ng madaling araw, gaya ng nakasanayan mula pa noong 1981, mula 2AM ay gagawing 3AM, sa March 30
Ito ay nangangahulugan na mas maigsi ang tulog ng isang oras at samakatwid, mas maaga rin ng isang oras babangon mula sa higaan.
Authomatic naman ang pag-adjust ng oras sa mga smart phones, tablets at ibang eletronic device. Tanging ang ilang uri na lamang ng mga wrist watch ang kailangan manual na i-adjust ang oras.
Samantala, sa U.S., itinakda ng federal law na magaganap ang DST tuwing ikalawang Linggo ng Marso, at sa 2025, mananatili ito katulad ng nagaganap taun-taon.
Ang ora legale ay mananatili sa Europa hanggang October 26, 2025.