Kasalukuyang naka-pending ang mga aplikasyon sa Reddito di Cittadinanza ng mga non-Europeans na residente sa bansa ng hindi bababa sa 10 taon. Ito ay nasasaad sa inilabas na Circular ng Inps noong July 5, kung saan nasasaad na ang mga aplikasyon ng mga dayuhan ay ipinending ng nabanggit na tanggapan simula noong Abril pa at ito ay mananatili hanggang hindi naglalabas ng implementing rules na nagtataglay ng listahan ng mga bansang exempted sa pagsusumite ng pinakahuing requirement na hinihingi ng batas: ang family composition at real estate assets certificatesna translated, authenticated at legalized ng Italian embassy o consulate mula sa country of origin.
Malinaw na nasasaad sa Circular ng Inps na “Ang tanggapan ay sinuspinde ang pagsusuri sa lahat ng mga aplikasyon mula sa mga non-Europeans simula Abril 2019. Ang mga ito ay muling susuriin matapos maglabas ng implementing rules ang Ministry of Labor kung saan nasasaad ang mga bansang exempted sa pinakahuling requirements”.
Gayunpaman, ay iba ang sitwasyon ng mga aplikasyon na naisumite sa buwan ng Marso 2019. Ang mga dayuhan na binigyan ng Rdc card noong April ay mayroong panahon hanggang Oktubre upang ilakip sa aplikayon ang mga bagong requirements upang hindi matigil ang pagtanggap ng benepisyo. Pansamantala nilang matatanggap ang benepisyo hanggang Oktubre. Kaugnay nito, tinatayang aabot sa 60,000 ang mga card na nai-released sa mga dayuhan at tinatayang aabot sa halagang 150 hanggang 200 M.
Gayunpaman, ang mga bagong requirements ay isang bahagi lamang ng pagsasabatas ng susog sa decreto legge. Nasasaad din dito na ang real estate assets na tinutukoy ay hindi lamang sa Italya bagkus pati sa labas ng bansa, kasama ang country of origin, ay hindi dapat na lalampas sa € 30,000.
Nilinaw din ng Inps na ang kabuuang kita o sahod ng pamilya na gagamitin ng aplikante ay hindi tutugma sa ISEE dahil kailangang idagdag umano dito ang assets mula sa sariling bansa. Ngunit hindi naman maaaring maibawas ang anumang naging medical expenses ng asawa o anak sa sariling bansa. Dahil dito ang kalkulasyon ng reddito familiare o family income ay hindi madali para sa lahat at dahil sa bagong requirement na ito, tila maraming pamilya ang hindi makakapasok sa parameters na itinalaga upang matanggap ang benepisyo.
Basahin din:
Bagong requirement ng Reddito di Cittadinanza para sa mga dayuhan, aprubado
Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman