in

Bagong Carta Dedicata a Te 2024, kailan matatanggap?

Kailan matatanggap ang bagong Carta Dedicata a Te 2024? Ang Carta Dedicata a Te ay isang Prepaid Card kung saan dumarating ang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya na nagkakahalaga ng €460.

Sa pamamagitan ng Carta Dedicata a Te ay maaaring mabili ang mga prime necessities tulad ng pagkain, gamot, at magbayad ng mga serbisyo tulad ng pagpapakarga ng gasolina at pagbayad ng subscription para sa pampublikong transportasyon.

Ang Carta Dedicata a Te ang papalit sa bonus benzina at bonus trasporto. 

Sino ang magkakaroon ng Carta Dedicata a Te 2024?

Ang Carta Dedicata a Te 2024 ay hindi nakalaan para sa lahat bagkus ay sa tinatayang humigit kumulang na 1.3M katao sa bansa. 

Ito ay may mga pangunahing requirements tulad ng mga sumusunod:

  1. Ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ay nakatala bilang residente;
  2. Pagkakaroon ng wasto at balidong ISEE (Indicatore della situazione Economica Equivalente) na hindi hihigit sa €15,000;
  3. May minimum na tatlong miyembro ang pamilya

Hindi maaaring magkaroon ng Carta Dedicata a Te 2024, ang mga pamilyang may miyembro na tumatanggap ng sumusunod na benepisyo: 

  • Assegno di inclusione e supporto formazione e lavoro,
  • Cassa integrazione,
  • Indennità di disoccupazione NASPI o DISCOLL,
  • Fondi di solidarietà per l’integrazione del reddito,
  • Indennità di mobilità 

Paano magkakaroon ng Carta Dedicata a Te 2024?

Ang Carta Dedicata a Te 2024 ay HINDI ina-aplay. Ang INPS ang nagpapadala ng listahan ng mga may karapatan sa bagong prepaid card sa mga Comune at ang mga Comune naman ang magpapadala sa mga beneficiaries ng komunikasyon at instruction kung paano ito ike-claim. 

Kailan matatanggap ang bagong Carta Dedicata a Te 2024?

Ang bagong Carta Dedicata a Te 2024 at ang ‘ricarica’ ng mga mayroon ng prepaid card ay inaasahang matatanggap sa Summer, ngayong taon, matapos ang publication ng ministerial decree nito. Sa ngayon, walang inaasahang ‘ricarica’ sa buwan ng Mayo.

Ang ministerial decree ang magtatalaga ng mga requirements (bukod sa mga nabanggit sa itaas), ng halaga at ano ang mga dapat gawin ng mga bagong aplikante. 

Tandaan na ang mga pamilyang binubuo ng mula tatlong miyembro, lalo na ang mga may mga bata na ipinanganak mula 2005 hanggang 2009, na may mas mababang halaga ng ISEE at naitala ng local social services bilang tunay na may pangangailangan ay magkakaroon ng prayoridad sa listahan.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahim ang official website ng Ministero dell’Agricoltura https://www.politicheagricole.it/flex/cm/pages/ServeBLOB.php/L/IT/IDPagina/19984

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.5]

Bonus Gita Scolastica 2024, aplikasyon hanggang May 31

Bonus Trasporto 2024, kailan at paano matatanggap ngayong 2024?