Ganap na inaprubahan sa Senado kahapon ang pagsasabatas ng DL 28 gen 2019, n. 4 kung saan nasasaad ang bagong regulasyon para sa mga dayuhan upang matanggap ang Reddito di Cittadinanza.
Bukod sa mga Italians at Europeans ay matatanggap din ang bagong benepisyo ng mga dayuhang mayroong permesso EU per lungo soggiornanti o ang EC long term residence permit (dating carta di soggiorno).
Gayunpaman, upang ito ay matanggap ay kinakailangan ang 10 taong residensya sa bansa at ang huling 2 taon ay tuluy-tuloy.
Bukod sa pagkakaroon ng ISEE na mas mababa sa € 9.360 sa isang taon, ay dinagdagan ng Senado ng bagong normatiba ang pagsasabatas nito na magpapatunay ng pangangailangan ng mga non-Europeans sa benepisyo. Ang mga dayuhan ay kailangang magsumite rin ng family composition at real estate assets certificates. Ang mga sertipiko ay kailangang translated, authenticated at legalized ng Italian embassy o consulate sa country of origin. Ito umano ang magpapatunay ukol sa mga miyembro ng pamliya, bahay at ari-arian ng dayuhan sa sariling bansa,.
Gayunpaman ang nabanggit ay hindi isusumite ng mga dayuhan kung nabibilng sa 3 eksepsyong nasasaad:
- Refugee;
- Ang country of origin at ang Italya ay mayroong bilateral agreement;
- Hindi kasapi ng EU ngunit imposible ang magkaroon ng sertipikong nabanggit. Ang listahan ng mga bansang ito ay magmumula sa Ministries of Foreign Affairs at Labor, sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa ng pagpapatupad ng bagong normatiba;
Basahin din:
Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman