Ang Bonus Cultura ay isang voucher na nagkakahalaga ng € 500,00 mula sa gobyerno ng Italya para sa mga kabataang 18 anyos. Ito ay maaaring gamitin para sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura sa pamamagitan ng musika at konsiyerto, cinema, cultutal events, museum, mga libro, parke at monumento, sayaw at teatro, foreign language course, mga kurso sa teatro at musika.
Ang voucher ay maaaring ma-download sa pamamagitan ng web application, ang 18app. Ang apliksyon ay sa pamamagitan ng SPID o ng CIE (Carta Identità Elettronica)
Bonus Cultura sa mga ipinanganak ng taong 2003
Ang mga batang ipinanganak noong 2003 ay maaaring mag-register sa 18app platform mula noong Marso 17, 2022 hanggang Agosto 31, 2022, at ang € 500,00 voucher ay maaaring gamitin hanggang February 28, 2023.
Bonus Cultura sa mga ipinanganak ng taong 2004
Ang Bonus Cultura 2023, para sa mga kabataang ipinanganak ng taong 2004, ay walang anumang pagbabago.
Samakatwid, ang aplikasyon ay sa pamamagitan ng 18app, gamit ang SPID o ang CIE (Carta Identità Elettronica).
Bonus Cultura sa mga ipinanganak ng taong 2005
Ang Bonus Cultura para sa mga ipinanganak ng taong 2005, batay sa deklarasyon ni Prime Minister Giorgia Meloni, ay magiging dalawa:
- Carta Cultura na nagkakahalaga hanggang €500,00 ay nakalaan sa mga maggiorenni na ang pamilya ay may ISEE indicator na mas mababa sa € 35,000;
- Carta Merito na nagkakahalaga ng €500,00 ay ibibigay sa mga mag-aaral na makakakuha ng pinakamataas na grade – 100/100 – sa state exam o ang tinatawag na maturità.
Para sa mga mag-aaral na kwalipikado sa dalawang nabanggit sa itaas ay maaaring mag-aplay para sa dalawang ‘carte’ para sa kabuuang €1000,00 voucher. Ito ay maaaring i-aplay mula 2024. Ang pondo mula 190 million para sa 2023 ay itinaas sa 230 million para sa 2024 ng gobyerno ni Meloni. (PGA)