in

Booster dose para sa edad 40-60, sisimulan sa December 2021 sa Italya

Simula December ang mga may edad mula 40 hanggang 60 ay sasailalim na rin sa booster dose kontra Covid19. Ito ang inanunsyo ni Health Minister Roberto Speranza sa kanyang pagsagot sa question time sa Camera. 

Booster dose: ang bagong schedule

Ang third dose ay strategic para sa vaccination campaign. Nasa 83.7% na ng populasyon sa bansa ang nakatanggap ng kumpletong bakuna kontra Covid19. Ang booster dose ay naibigay na sa 2.4 milyong katao sa bansa. Sa mga immunocompromised, mahina ang immune system, health operators at staffs, mga over- 60s at sa mga binakunahan ng J&J makalipas ang anim na buwan”, ayon kay Health Minister. 

Green pass, pawawalang bisa sa sinumang mag-positibo sa Covid19

Umabot na sa 122 milyon ang mga downloaded na Green pass sa Italya. Malinaw na ang sinumang mag-positibo sa Covid19 ay sasailalim sa isolation. Sila ay tatanggalan ng Green pass dahil posibleng maging sanhi ng pagkakahawa ng Covid19 sa ibang tao. Ang pagpapawalang-bisa ay maaaring sa pamamagitan ng report ng medico di base o ang pagkakaroon ng positive result sa Covid test. Tandaan na ang mga datos ay konektado sa regional platform. Ayon sa paliwanag ni Health Minister Roberto Speranza.

Booster dose, posibleng mandatory sa mga health operators

Mandatory ang unang dalawang dosis ng bakuna kontra Covid19 sa lahat ng mga health operators at mga nagta-trabaho sa RSA. Kasalukuyang pinag-aaralan ang pagiging mandatory din ng booster dose sa mga nabanggit. 

Validity ng Green pass para sa mga gumaling sa Covid19 

Ang validity ng Green pass para sa mga gumaling ay 6 na buwan at 12 buwan naman para sa mga bakunado. Nais ng gobyerno na simulan ang mas malalim na pag-aaral upang masigurado ang mga kondisyon sa pagbibigay ng green pass sa mga gumaling. Ayon sa mga pag-aaral, ang panganib na ma-reinfect ay mababa kung ang variant exposure ay sa loob ng 3-6 na buwan mula sa unang diagnosis. 

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Natalizio 2021 hanggang €1400,00 ano ito? Totoo ba ito?

Nagpabakuna ng AstraZeneca, kailan dapat gawin ang booster dose?