Sa ginawang press conference kahapon ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte ay inanunsyo nito ang karagdagang 4.3 billion euros sa bagong Dpcm, at ang 400 million euros na ibabahagi sa mga Comune ng Italya.
Ayon kay Premier Conte:
- “Pinirmahan ko ang bagong Dpcm na naglalaan ng 4.3 billion euros sa solidarity fund para sa mga Comune”.
- Buoni spesa – “Sa pamamagitan ng ordinansa ng Protezione Civile ay nagdagdag kami ng 400 million euros, na ibibigay sa mga Comune para sa mga mamamayan na walang sapat na pera para makapamili ng pagkain. Ito ay ang buoni spesa na ipamimigay“.
- Panawagan: Nanawagan din si Conte sa mga large retailers ng karagdagang 5% hanggang 10% ng groceries sa halaga ng buoni spesa.
Matapos i-anunsyo ni Conte ang karagdagang ayuda sa panahon ng pamdemya, partikular para sa mga pamilya, ang ordinansa ng Protezione Civile ay kailangang aprubahan at pagkatapos nito ay ang pagpapatupad nito batay sa kanyang inanunsyo.
Ang ordinansa din ang magtatalaga sa halagang ibibigay sa bawat Comune batay sa laki ng populasyon ng mga residente.
Kung sino ang makakatanggap, paano ito matatanggap at magkano ang matatanggap ay wala pang malinaw na tugon.
Sa kasalukuyan, inaasahan na ang mga beneficiaries ay ang mga pamliyang higit na expose sa panganib ng emerhensya at priyoridad ang mga hindi tumatanggap ng anumang tulong publiko. Inaasahan ding ibibigay ang buoni spesa sa mga pamilyang higit na nangangailanagn at ito ay magagamit lamang esklusibong pambili ng food supply. (PGA)