in

Carta Dedicata a Te: Nagsimula na ang paglo-load ng €500. Mula Sept 9, matatanggap din ng mga bagong beneficiaries!

Sa September 9 ay magsisimula ang distribution ng mga bagong Carta Dedicata a te sa mga bagong beneficiaries nito. Narito kung sino ang mga makatatanggap ng inaasam na Carta Dedicata a te sa mga susunod na linggo.

Tulad ng alam ng marami, nagsimula na ang paglo-load ng gobyerno ng Italya sa mga unang inisyu na Carta Dedicata a te. Ang halaga ng benepisyo na nagkakahalaga ng €459,00 noong nakaraang taon ay tumaas sa €500,00 ngayong taon. Ang halagang ito ay matatanggap direkta sa rechargable prepaid card na natanggap ng mga unang beneficiaries noong nakaraang taon.

Basahin din: Carta Dedicata a Te 2024, tumaas sa €500,00

Ngayong taon, inaasahang aabot sa 1,330,000 ang mga pamilyang makakatanggap ng benepisyo at marami sa nabanggit na bilang ang bagong beneficiaries nito. Sila ang mga maghihintay na matanggap ang Carta Dedicata a te simula September 9.

Ang benepisyong ito ay nakalaan para sa mga pamilyang may ISEE o “Equivalent Economic Situation Indicator” na hindi lalampas ng €15,000. Ang halagang ito ay maaaring gamitin para sa gasolina, subscription sa pampublikong transportasyon, at sa pagbili ng pagkain at mga medisina.

Gayunpaman, ang mga beneficiaries ay makakatanggap lamang nito kung hindi tumatanggap ng iba pang tulong pinansyal tulad ng:

  • Assegno di inclusion;
  • Supporto formazione lavoro;
  • Carta Acquisti;
  • Naspi;
  • Dis Coll
  • Cassa Integrazione.

Basahin din: Carta Dedicata a Te 2024, sino ang hindi makakatanggap?

Ang Carta Dedicata a te ay nagsimula noong nakaraang taon kaya’t ang mga nakatanggap nito noong 2023 ay maaaring gamitin ang parehong rechargeable prepaid card ngayong taon. Samantala, para sa mga bagong beneficiaries ay kailangang kunin ang kanilang Carta Dedicata a te sa Poste Italiane, matapos makatanggap ng komunikasyon mula sa lokal na munisipyo.

Ang pagpapadala ng mga bagong rechargeable prepaid card ay magsisimula sa Septembre 9 at inaasahang magtatapos sa loob ng isang linggo lamang. Tandaan na ang halagang €500 euro ay ilo-load sa card nang isang beses lamang sa bawat pamilya.

Mahalagang tandaan din na hanggang February 28, 2025 lamang magagamit ang €500 na nasa card. Ang unang gamit nito ay kailangang gawin bago ang Decembre 16, 2024. Sa kasong hindi ito magagamit sa unang pagkakataon bago ang nabanggit na petsa, ay mawawala ang karapatang magamit ang halagang nasa card, na ituturing na hindi aktibo kung hindi magagamit sa itinakdang panahon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga official website ng Comune kung saan residente at sa official website ng Carta Dedicata a Te. Maaari ring tumawag sa toll free num 0645266888.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Forza Italia pushes for Ius Scholae: the proposed law and the allies’ resistance

Germany reinstates border controls with neighboring countries for six months