Nalalapit na ang duedate sa pagbabayad ng mga contributi Inps ng mga colf at badanti. Ito ay ang ikalawang kontribusyon ng taon para sa mga buwan ng April, May at June 2021.
Ang payment sa Inps para sa domestic job ay binabayaran hanggang ika-sampung araw ng sumunod na buwan makalipas ang tatlong buwan ng serbisyo. Halimbawa, ang contributi ng mga colf ng second quarter ng taong 2021, o kung ang mga colf ay na-empleyo ng April 1, 2021 hanggang June 30, 2021, ay babayaran ang kontribusyon hanggang July 10, 2021. Sa katunayan, ang mga duedate sa pagbabayad ng kontribusyon ng nga colf ngayong taon ay ang sumusunod:
- April 10, 2021 – para sa first quarter ng taon (January, February at March);
- July 10, 2021 – para sa second quarter ng taong 2021 (April, May at June),
- Oct 11, 2021 – para sa third quarter ng taong 2021 (June, August at September);
- Jan 10, 2022 – para sa fourth quarter ng taong 2021 (October, November at December).
Ang pagbabayad ng contributi Inps ay para din sa lahat ng mga nag-aplay ng Regularization na mga colf at badanti hanggang noong nakaraang August 15, 2020, na mayroong codice provvisorio Inps, at wala pang natatanggap na convocazione o appointmnet mula sa Sportello Unico per l’Immigrazione upang tuluyang tapusin ang proseso nito.
Tandaan, sa kontribusyon ay kasamang binabayaran ang contributo sanitario sa Cassa Colf.