Mula January 1, 2023, ang lahat ng mga uri ng pensyon sa Italya ay magkakaroon ng assesstment dahil sa naitalang pagtaas ng cost of living sa taong 2022, kasama ang tinatawag na assegno sociale.
Sa katunayan, ang halaga ng assegno sociale ngayong 2023 ay tumaas sa €503.27 mula €469.03 noong 2022.
Ang halaga nito sa mga single nagging taon ay € 6.542,51 at para naman sa mga mag-asawa ay € 13.085,02.
Ang halaga ng assegno sociale noong 2022 ay € 469.03 dahil sa assessment ng 1.9%. Nagkaroon ng pangalawang pagtaas sa halaga ng assegno sociale dahil sa anticipated assessment hatid na Aiuti bis decree na nagkaroon ng epekto hindi lamang sa mga benepisyo sa social security kundi pati na rin sa mga benepisyo sa welfare. Sa katunayan, mula Oktubre 2022, ang assegno sociale ay nadagdagan ng 2%, kaya naging € 478.41.
Ngayong January 2023, ay kukumpletuhin ang assessment ng 7.3% at ibabawas ang 2% na kinikilala na noong nakaraang Oktubre.
Samakatuwid, ito ay magreresulta ng pagtaas ng 5.3%. At sa taong 2023 ang halaga ng assegno sociale ay magiging € 503.26. (PGA)