in

Ilog Tevere, binabantayan ulit

Roma, Nov. 30, 2012  – Kasabay ng malakas na hangin, ang pagbagsak ng malakas na ulan simula pa noong nakaraang Miyerkules – Nob 28 muli, ay nagbabalik ang Civil Protection ng Roma Capitale upang bantayan ang pagtaas ng ilog Tevere.

“Dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan, isang komunikasyon buhat sa Civil Protection ng Roma Capitale – ay inulat muli ang pagtaas ng ilog. Ayon sa tanggapan ng Tide Gauge Network at ng hydrographic office of Lazio Region, ay muling tumaas sa river level nitong hatinggabi, samantala, bandang 11.30 ay aabot sa 8,90 meters ang taas ng ilog sa Ripetta station.

 “Ayon sa nabanggit na regional office, ang ilog ay tataas hanggang 10 meters sa Ripetta at mananatili sa loob ng 24 oras. Sa kabilang banda, ay tila malayo ito sa taas ng river level noong nakaraang Nob. 14 na umabot hanggang sa 13,49 meters – ayon pa sa komunikasyon – partikular ang atensyon sa pagtaas ng tubig sa Aniene, na karugtong ng Tiber river, sa Ponte Salario, na umabot sa 5,25 meters. Ang civil protection, kasama ang mga concerned offices ng rehiyon ay patuloy ang pagbabantay, lalong higit ng mga lugar tulad ng Ostia, Idroscalo, Prato Lungo, Prima Porta, Tiburtina at Ponte Milvio.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino sa Aniene – Roma, inilikas

Gina Gil Lacuna, Guiness World Record holder