in

LEGA: “Validity ng mga carta d’identità, itutulad sa validity ng mga permit to stay”

Dussin: Higit na burukrasiya sa mga imigrante, dagdag trabaho para sa mga Munisipyo at Questure.

altHindi na isang bagong balita ang tagumpay ng LEGA sa patuloy na pagsubok nito upang higit na maging kumplikado ang buhay ng mga imigrante. May pinakabagong ideya na naman na malamang ay lalong lumikha ng isang malaking epekto sa mga Questura at mga munisipyo. At lalo na sa Padania (Po Valley), kung saan naninirahan ang karamihan ng mga dayuhan.

Ang deputee ng Carroccio na si  Dussin Luciano ay nagharap ng isang panibagong bill ukol sa validity ng identification card (o carta d’identità) at sa registration sa mga registrar’s office (o anagrafe).  Ang layunin? Ihalintulad ang validity ng mga identification card sa validity ng mga permit to stay.”

Sa ngayon ang mga imigrante na nakarehistro sa registrar’s office bilang mga residente sa Italya ay may mga identification card na tumatagal ng sampung taon, tulad ng sa mga Italyano. Kung magtatagumpay ang LEGA sa kanilang proyekto, ang mga identification card ay maaaring magkaroon na lamang ng isa o dalawang taong validity, tulad ng karamihan ng mga permit to stay. Sa mga EU long term residence permit (o ang dating carta di soggiorno) holders naman, ang identity card ay magkakaroon ng bisa para lamang sa limang taon.

Sa loob ng animnapung araw matapos ang validity ng permit to stay, ang imigrante ay dapat magsumite ng isang pahayag ng kanyang tinitirahan, kasama ang mga resibo ng aplikasyon para sa renewal ng permit to stay. Para sa mga hindi susunod ng nasabing patakaran, ay magkakaroon ng awtomatikong pag-kakansela sa registrar’s office at isang ulat sa Questura. Ang kawalan ng nasabing pahayag ay magtuturing diumano sa dayuhan ng pagiging iligal nito o clandestine. Makalipas ang anim na buwan ng deklarasyon ng mga imigrante sa registrar’s office ay nararapat naming isumite ang kopya ng renewed permit to stay.

Alam ni Dussin, bagaman may isang tag-LEGA sa Ministry  of Interior, ang sistema ng renewal ng permit to stay ay mahusay. Ngunit kung ang permit to stay ay hindi pa handa sa loob ng anim na buwan, ibibigay diumano ang isang dokumento na nagpapatibay ng prosesong administratibo sa renewal na panghahawakang pansamantala ng imigrante.

Sa walang katapusang burukratikong prosesong ito, tanging ang mga imigrante ang ptuloy ang pag-ikot.

Madaling isipin ang presyon sa mga Registrar’s office, mas maraming tao at sa mas mahabang mga pila.Samantala, ang mga Questura naman ay babagsakan ng sangkaterbang panibagong trabaho. Hindi na nga magkamayaw sa napakaraming naka pending na mga permit to stay, ay madagdagan pa ng panibagong dokumentasyon sa panahon ng proseso nito, na maghahayag lamang ng patunay ng renewal ng permit to stay na higit na magpapatagal at magpapahaba sa panahon ng renewal nito.

Ano sa tingin nyo Ministro Calderoli, gayun din miyembro ng LEGA  ang pagpapagaang ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kalayaan 2011 – The most awaited celebration by OFWs

BEATIFICATION, DINAGSA NG MGA PILGRIMS