in

Omicron 5, ang mga sintomas, incubation period at panahon ng paggaling 

Nagpapatuloy ang mabilis na pagkalat ng Covid sa Italya. At sa pagkakataong ito, ang Omicron 5 ang dahilan sa muling pagtaas ng curve ng mga bagong infected. Ito ay sa kabila nang marami na ang gumagamit ng mga self-test at hindi na nila ipinapaalam ang pagiging positibo sa ASL. Dahil dito, hindi na ito naitatala sa daily bulletin ng Civil Protection. Gayunpaman, kahapon ay naitala ang humigit kumulang na 143,000 bagong positibo at 110,168 naman ang mga naitala ngayong araw.

Ayon sa Civil Protection, mayroong humigit kumulang na 1.35 milyon katao na “opisyal” na positibo sa bansa. Anong mga sintomas ang mayroon sila?

Narito ang mga sintomas, incubation period at panahon ng paggaling sa Omicron 5

Gaano katagal bago lumabas ang mga sintomas matapos ang direct contact sa isang positibo? 

Karaniwang lumalabas ang mga sintomas dalawa o tatlong araw makalipas ang direct contact sa isang positibo. 

Anu-ano ang mga sintomas? 

Makalipas ang mga araw na nabanggit sa itaas ay magsisimula ang paglabas ng mga sintomas, na sa kabutihang palad, sa karamihan ng mga kaso, ay banayad lamang. Ito ay dahil ang Omicron 5 ay karaniwang umaatake sa itaas na bahagi ng daanan ng hangin at bihirang ‘bumababa’ sa baga, kung saan maaari itong magdulot ng pulmonya.

Karaniwang nararamdaman ang pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo, sipon, pagkahapo at lagnat. At muli, ang pagkawala ng amoy at panlasa, pananakit ng kalamnan at pag-ubo ay mas bihira.

Gaano katagal bago mawala ang mga sintomas? 

Karaniwang hindi hihigit sa lima hanggang pitong araw bago mawala ang mga sintomas. At maaaring magtagal pa ng karagdagang dalawa o tatlong araw bago maging negatibo mula sa pagkawala ng mga sintomas. 

Dapat tandaan na ang Omicron 5 ay kumakatawan pa rin sa isang panganib para sa mga matatanda at mahihina ang kalusugan. Dahil dito, ay binigyan na ng gobyerno ng pagkakataon na mabakunahan ang mga over 60s at mahihina ang kalusugan. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

heat-stroke

Record-breaking heatwave, magpapatuloy sa Italya at Europa

July 18 at 22, No Appointment ang Questura di Firenze