in

Pagsusuri ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtanggap ng Reddito di Cittadinanza, inaprubahan

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Ang Italian Data Protection Authority o Guarante della Privacy ay nagbigay ng pahintulot sa Inps para sa cross-checkingpagpapalitan ng mga datos ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na naglalayong isagawa ang mga angkop na pagsusuri ukol sa karapatan ng pagtanggap ng Reddito di Cittadinanza. 

Layunin nito ay upang mapatunayan kung ang mga benepisyaryo ay tunay na nakakatugon sa mga requirements upang makatanggap ng tulong pinansyal. 

Narito kung paano magaganap ang mga pagsusuri at kung anu-anong mga ahensya ang kasali dito

Agenzia dell’Entrate: Sa pamamagitan ng mga codici fiscali ng mga miyembro ng pamliya ay masusuri ng Agenzia dell’Entarte ang requirement ukol sa real estates assets ng pamliya;

ACI: Sa pamamagitan ng mga codici fiscali ng mga miyembro ng pamliya at petsa ng pagsusumite ng aplikasyon ng RdC ay masusuri kung nagkaroon ng pagpaparehistro ng kotse o motorsiklo;

Ministero dell Giustizia: Sa pamamagitan ng mga codici fiscali ng mga miyembro ng pamliya ay masusuri ang pagkakaroon ng police at/o criminal record, kung nakulong at nahatulan sa unang 10 taon bago ang aplikasyon ng RdC;

Regioni: Sa pamamagitan ng mga codici fiscali ng mga miyembro ng pamliya ay masusuri ang pagpasok sa ospital o sa anumang public health institute na magpapatunay naman ng kalagayang pisikal ng aplikante ng RdC.

Ang mga datos na makakalap ng Inps mula sa mga ahensyang nabanggit ay pangangalagaan hanggang 10 taon mula sa pagtatapos ng pagtanggap ng benepisyo at bababa naman hanggang sa 5 taon mula sa pagbibigay abiso sa aplikante na rejected ang aplikasyon.

Gayunpaman, ang mga datos sa pagitan ng mga ahensyang nabanggit ay limitado lamang sa mga kinakailangang pagsusuring hinihingi ng batas (pagkakaroon ng real estate assets, pagkakaroon ng kotse o motorsiklo, pagkaka-confine sa ospital, o pagkakakulong o pagkakaroon ng kaso) 

Bukod dito ay sinisigurado ng Data Protection Authority o Guarante della Privacy ang seguridad ng pagpoproseso, pag-iingat sa mga datos sa mga teknikal na hakbang at sinisigurado din ang kakayahang matiyak ang integridad, pagiging kompidensiyal at hindi pagkalat ng mga datos mula sa Inps at ibang ahensya, partikular pag-encrypt ng impormasyon at ng digital signature.  

Ang pagpoproseso ng mga datos na isasagawa ng INPS, sa kabila na ang trababong ito ay para sa ikabubuti ng publiko, ayon sa Guarante ay “mayroong mataas na panganib para sa karapatan at kalayaan ng mga aplikante ng RdC dahil sa nasaad na malawakang cross information checking”. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lotteria degli scontrini, registration simula bukas

revisione auto Ako ay Pilipino

Deadline ng Revisione Auto, nilinaw ng Ministry of Interior