in

Presyo ng gasolina sa Italya, patuloy ang pagtaas

Tila walang katapusan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina sa Italya. 

Naitala ang presyo ng gasolina sa kasalukuyan bilang pinakamataas mula noong 2014. Sa katunayan, ang presyo sa self-service ay umabot na sa € 1.746 kada litro para sa gasolina (benzina), € 1.608 para sa diesel o krudo (gasolio) at € 0.826 para sa Lpg (Gpl).

Ito ay ayon sa ulat ng Consumers Union para sa weekly monitoring data ng Ministry of Ecological Transition na kinukumpirma na pinakamataas ang presyo ng diesel ngayon mula noong 2014. Sa loob ng isang taon, ang presyo ng Gpl ay tumaas ng 39.5%.

Kumpara noong Enero, syam na buwan at kalahati ang nakakalipas, ang full tank ng 50 litro ngayon ay tumaas ng €15,22 para sa gasolina at tumaas naman ng € 14,44 para sa diesel -may pagtaas ng 21.1% at 21.9%. Ito ay katumbas ng €365,00 sa isang taon para sa gasolina at € 347 para sa krudo sa loob ng isang taon. 

Matatandaang noong Oktubre 26, 2020, ang gasolina ay nagkakahalaga ng € 1,388 kada litro at ang diesel naman ay € 1,259 kada litro. Kumpara noong nakaraang taon, ang isang full tank ng 50-litro sa kasalukuyan ay mas mahal ng € 17,91 para sa gasolina at mas mahal € 17,47 para sa diesel. Ito ay nagtatala ngpagtaas ng 25.8% at 27.8%. Ito ay katumbas ng € 430 sa isang taon para sa gasolina at € 419 naman para sa krudo.

Basahin din:

Implasyon sa Pilipinas umakyat sa 4.9%. Ano ang dapat gawin bilang mga Ofws?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Sino ang bibigyan ng booster dose sa Italya?

Pinoy, nag-suicide matapos arestuhin dahil sa pananakit sa asawa