in

Supporto per la Formazione e il Lavoro, ang gabay sa aplikasyon

Simula September 1, 2023, ang mga dating tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza na may edad mula 18 hanggang 59 na walang anak na menor de edad, walang disabilities at walang miymebro ng pamilya na over 60 ay maaaring mag-aplay para sa Supporto per la formazione e il lavoro.

Sa katunayan, ang bagong system ay online na. Mag log-in lamang sa website ng Inps (Accedi al servizio). Matapos ang identification, sa pamamagitan ng SPID o CIE, ay awtmatikong dadalhin sa ibang platform https://siisl.lavoro.gov.it para sa mga susunod na hakbang.

Narito ang bawat hakbang na dapat sundin sa aplikasyon ng Supporto per la formazione e il lavoro:

  1. Magpunta sa website ng Inps: www.inps.it
  2. I-click ang “Supporto per la Formazione e il Lavoro”: para masagutan ang aplikasyon ‘compila la domanda’;
  3. I-Click ang ‘Domanda Supporto per la Formazione e il Lavoro’;
  4. Pagkatapos ay ang ‘Utilizza il servizio’;
  5. Piliin ang ‘Supporto formazione e lavoro‘;
  6. Mag-log in sa Area Riservata, sa pamamagitan ng sariling digital identity;
  7. I-verify ang sariling contact details at i-click ang ‘Proseguire il servizio richiesto‘;
  8. Piliin ang ‘Compila la domanda‘;
  9. Pagkatapos ay ‘Continua‘;
  10. I-confirm ang pagsunod sa mga requirements ‘Rispetto dei Requisiti’ at magpatuloy ‘Continua’;
  11. Tingnang mabuti ang mga datos sa Quadro A personal details ng aplikante ‘Generalità richiedente at titolare’;
  12. Ilagay ang Citizenship, at ang lugar kung saan residente;
  13. Ilagay ang document number;
  14. Ilagay din ang mga contact details: telephone number at email address;
  15. I-confirm ang pagsunod sa mga requirements ‘rispetto dei requisiti’;
  16. I-confirm ang pagsunod sa karagdagang mga requirements;
  17. I-confirm ang obligasyon sa pagtanggap ng benepisyo;
  18. Piliin ang paraan ng pagtanggap sa benepisyo;
  19. Pirmahan ang deklarasyon at
  20. I-click ang ‘Completa‘;

Gayunpaman, tandaan na ang aplikasyon ay maaari ding gawin sa mga pinagkakatiwalaang Patronati.

Sa tulong ng mga operators, ang Ministry of Labor and Social Policies at ang INPS ay nag-activate ng mga assistance. Sa online URP, ay matatagpuan ang mga frequently asked questions (FAQ), makakatanggap din ng tulong at impormasyon sa pamamagitan ng chatbot ng real-time at sa bandang huli naman ang ticket support system. Ang access ay sa pamamagitan ng link na urponline.lavoro.gov.it. Gayunpaman, makaka-access din kahit sa pamamagitan ng website ng Inps.

Ang INPS contact center ay aktibo din sa numerong 803 164 (landline) at 06 164 184 (mobile). Tandaan na ang seksyon ng website ng Ministry na “Nuove Misure di inclusione e accesso lavoro” ay patuloy na ina-update.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Goodbye Reddito di Cittadinanza, Hello Supporto Formazione e Lavoro

Emergency alert test message, matatanggap ng mga smartphones sa Lazio