Sa labinsiyam na mag-aaral, tanging dalawa lamang ang anak ng Italians. "Tutulungan tayo ng lokal na pamhalaan ng Milan, ngunit ito ay isang eksperimento lamang".
Roma – Agosto 31, 2012 – Malapit ng magsimula muli ang eskwela, maging sa Elementary School ng “Lombardo Radice” ng Via Paravia sa Milan, isang multi-ethnic residencial area ng San Siro.
Matapos ang isang taong ‘paghinto’, sa Setyembre ay papasok ang 19 na mga mag-aaral, kung saan 17 ay pawang anak ng mga imigrante at walang italian citizenship. Halos lahat ay ipinanganak sa bansang Italya.
Dahil nga sa maraming enrollees ng mga anak ng imigrante, (o dahil sa iilang enrollees na anak ng mga italians), ay sapilitang ipinahinto ang pagkakaroon ng Grade One class noong nakaraang school year 2010-2011, at dahil dito ay itinakda ang pagkakaroon isang limitasyon sa bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa bawat klase, o ang 30% lamang na mga mag-aaral na dayuhan ng nakaraang Ministro sa Edukasyon, Mariastella Gelmini. Ang Hukom ay naging panig dito at tinanggihan ang kahilingan ng mga magulang.
Parehong programa ang tila ipatutupad ngayong taong ito, at nangangambang ilang taon mula ngayon ay tuluyan ng ipapasara ang nasabing paaralan. Ngunit isang mediation sa lokal na pamahalaan ng Milan ang nagtulak sa provincial office na bigyang pagkakataon ang principal na si Giuseppe Petralia sa isang taong eksperimento.
"Ito ay isang taong standby, sa pakikipagtulungan sa ang Munisipalidadng Milan,na nangakong tutulong upang lumikha ng isang klima ng integrasyon at muling isusulong ang paaralan. “Ako ay pumayag na muling magbukas ng Grade one class, ngunit kung hindi bubuti ang sitwasyon tulad ng mga inaasahan – abiso ni Petralia – ako ay mapipilitang itigil ang esperimento