in

Zone rosse at arancione, ang nasasaad sa bagong ordinansa

Ako Ay Pilipino

Pinirmahan ni Minister of Health Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa ngayong araw kung saan kinukumpirma ang mga restriksyon sa mga zone rosse at arancione ng mga Rehiyon.

Ito ay tumutukoy sa naging aksyon noong November 10 para sa mga rehiyong Basilicata, Liguria at Umbria na mananatili sa zona arancione at ang Provincia Autonoma di Bolzano ay mananatili naman sa zona rossa.

Ang bagong ordinansa ay may bisa hanggang Dec. 3, at may posibiidad ng anumang pagbabago batay sa nasasaad sa DPCM ng Nov. 3, 2020.

Samakatwid, narito ang dibisyon batay sa kulay ng mga Rehiyon

  • Zona Gialla: Lazio, Molise, Provincia Autonoma di Trento, Sardegna, Veneto
  • Zona Arancione: Basilicata, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Liguria, Puglia, Sicilia, Umbria.
  • Zona Rossa: Abruzzo, Calabria, Campania, Lombardia Piemonte, Toscana, Valle d’Aosta, Provincia Autonomo di Bolzano.

Ang ordinansa ay pinirmahan ngayong araw matapos ang mass screening sa Alto Adige na tinanggal ang total lockdown. Samanatla, ngayong araw, umakyat sa 853 ang mga namatay ngayong araw dahil sa Covid19. (PGA – larawan ni Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Reddito di Cittadinanza, paano mag-aplay?

Ako Ay Pilipino

Bakuna kontra Covid19, isa bang obligasyon?