Tumaas pa ang bilang ng mga dayuhang tatanggap ng Reddito di Cittadinanza.
Ito ay ayon sa pinakahuling technical report kung saan nasasaad na aabot sa 241,000 umano ang mga pamilya ng mga dayuhang tatanggap ng Reddito di Cittadinanza mula sa kabuuang bilang na 1.248,000 mga pamilya.
Nadagdagan pa mula sa 164,000 tulad ng unang ulat at inilathala ng Ako ay Pilipino.
Para sa 241,000 pamilya o ang 19.3% ng kabuuan ay nakalaan ang 1.486 milyon sa kabuuang 7.493 milyon.
At dahil sa itinalagang requirement na pagkakaroon ng EC long term residence permit (dating carta di soggiorno) o ang mga dayuhang ‘lungosoggiornanti’ o residente ng sampung taon sa bansa at tuluy-tuloy sa huling 2 taon, ay 90,000 pamilya, o 261,000 katao ang mga dayuhang hindi makakatanggap nito.
Ayon pa sa ulat, ang kahirapan umanong dinadanas ng mga dayuhan ay anim na beses na mas malala kaysa sa mga Italians.
Basahin rin:
Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman