in

Decreto Flussi 2023, mga dapat malaman habang naghihintay ng publikasyon

Habang naghihintay ng publikasyon ng Decreto Flussi 2023 sa Official Gazette, at samakatwid ang petsa ng click day at maging ang kumpirmasyon ng buong proseso nito, narito ang mga bagay na dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023.

Sa isang press release ng Konseho ng mga Ministro noong December 2022, nasasaad na naglaan ang gobyerno ni Meloni para sa Decreto Flussi ngayong taon ng bilang o quota na 82,705! Ang bilang na ito ang hahatiin para sa aplikasyon ng nulla osta para sa lavoro subordinato stagionale, lavoro autonomo at conversion ng ilang uri ng permesso di soggiorno para sa lavoro subordinato at lavoro autonomo. 

Sa parehong komunikasyon ay nasasaad din na ang mga employer ay obligadong maghanap muna ng trabahante o workers na nakatala sa Centro per l’Impiego bago ang tuluyang mag-imbita ng workers mula sa ibang bansa. 

Batay sa mga nabanggit sa ilang komunikasyon (samakatwid, hindi pa opisyal hanggang sa kasalukuyan) ang kawalan ng availability ng mga workers sa Italya sa loob ng 15 araw, ang sertipiko nito bilang katunayan na walang available para magtrabaho ang magpapahintulot sa employer upang makapag-aplay sa pagpasok sa Italya ng worker mula sa ibang bansa. Inaasahan din na kasama sa listahan ng mga walang trabaho sa Italya, ang lahat ng mga tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza, dayuhan at hindi. Gayunpaman, ang implementing decree ang magkukumpirma sa mga nabanggit. 

Samantala, kinumpirma naman ang Decreto Flussi sa Decreto Simplificazione bilang 73/22. 

Dahil sa nabanggit na decreto, inaasahan na magiging mabilis ang proseso ng Decreto Flussi 2023, dahil ang releasing ng nulla osta ay dapat na maganap sa loob lamang ng 30 araw

Kaugnay nito, ang Ispettorato di lavoro na hanggang sa huling decreto flussi ay ang ahensya na nagsusuri ng mga aplikasyon at requirements, sa decreto flussi 2023 ay ang mga consulente di lavoro at associazioni datoriali na ang gagawa ng mga pagsusuri, ayon sa decreto

Bukod dito, ayon pa din sa decreto Simplificazione, ang mga dayuhan na nasa Italya na bago ang petsa ng May 1, 2022 ay maaari ring makapag-aplay para sa Decreto Flussi 2023. 

Paano gagawin ang aplikasyon ng Decreto Flussi? 

Ang employer/kumpanya ang gagawa ng aplikasyon para sa nulla osta o work permit, para sa dayuhan upang makapag-trabaho sa Italya. 

Samantala ang dayuhan ay dapat maghanda ng balidong pasaporto at ipadala ang kopya nito sa kanyang future employer. 

Paalala: Ang dayuhan ay hindi dapat black listed sa Schengen countries at walang krimen sa Italya at Europa. 

Ang aplikasyon ay gagawin online ng employer gamit ang SPID.

Ang kumpanya, upang makapag-invite ng worker mula sa ibang bansa ay kailangang ihanda ang balidong dokumento o ang carta d’identità ng Ammimistratore nito at ang Visura Camerale ng kumpanya, at ang Bilancio dahil batay dito ay malalaman kung ilang trabahante ang maaaring imbitahan para makapag-trabaho sa Italya. 

Gayunpaman, inuulit na ang implementing decree na inaasahang ilalabas sa lalong madaling panahon ang magkukumpirma sa lahat ng mga nabanggit. 

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 9 Average: 4.1]

Italya, ika-4 sa world ranking ng most powerful passport. Pilipinas, may 67 visa-free countries

Sahod ng mga colf at caregivers, tataas ng 9.2% simula January 2023