in

Final approval ng isang taong permit to stay sa mga nawalan ng trabaho

Inaprubahan ng Parliyamento ang reporma ng trabaho. Ito rin ay naglalaman ng mga bagay na magsasalba sa mga imigrante na biktima ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya.

Rome – Hunyo 28, 2012 – Matapos ang ipinagkaloob na pagtitiwala kahapon sa Kamara ay lumabas din kahapon ng hapon ang final approval ng reporma ng Labour market ng gobyerno. Samakatwid, pati na rin ng ‘lifesaver’ ng mga imigrante na nawalan ng trabaho at nanganganib na matagalan ng karapatang manatili ng regular sa bansang Italya.

Ang reporma ay nagsasaad na ang mga nawalan ng trabaho, dahil sa pagbibitiw o sa pagkakatanggal sa trabaho, ay mananatiling nakatala sa liste di collocamento (o unemployment list) at magkaroon ng permit to stay per attesa occupazione (o sa paghahanap ng trabaho), na mayroong isang taong validity (kasalukuyang anim na buwan lamang) at gayundin, ang pagtanggap ng ilang social safety valves sa panahong nabanggit. Matapos ang panahong ito, ay maaaring manatiling regular sa bansa ang sinumang makakapagpatunay na mayroong sapat na mapagkukunang pinansyal kung saan maaaring idagdag ang sahod ng mga miyembro ng pamilyang kapisan (familiari convivienti).

Samakatwid, sa mga nawalan ng trabahong dayuhan ay ibibigay ang mas mahabang panahon upang humanap ng panibagong trabaho. Isang bagay na hiniling sa mahabang panahon ng mga labor unions at mga asosasyon upang mabawasan ang danyos ng kasalukuyang krisis, na para sa mga dayuhan ay higit na mapanganib: ang pagkawala ng trabaho, sa katunayan, ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng pagkakataong ma-renew ang permit to stay, at magbubunga ng pagdami ng mga undocumented. Sa parehong pananaw para sa proteksyon ng mga nawalan ng trabaho, ang pamahalaan ay nagpasya ng hindi pagpapatupad ng kilalang ‘direct hire’ upang hindi magpapasok ng mga bagong manggagawa mula sa ibang bansa.

Disposizioni in materia di riforma del mercato del lavoro in una prospettiva di crescita
Articolo 4, comma 30
All'articolo 22, comma 11, secondo periodo, del testo unico delle disposizioni concernenti la disciplina dell'immigrazione e norme sulla condizione dello straniero, di cui al decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286, le parole: «per un periodo non inferiore a sei mesi» sono sostituite dalle seguenti: «per un periodo non inferiore ad un anno ovvero per tutto il periodo di durata della prestazione di sostegno al reddito percepita dal lavoratore straniero, qualora superiore. Decorso il termine di cui al secondo periodo, trovano applicazione i requisiti reddituali di cui all'articolo 29, comma 3, lettera b)».

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fornero: Imigrante, malaking tulong sa ekonomiya, lipunan at welfare

Karapatang bumoto sa mga imigrante upang labanan ang rasismo – Council of Europe