in

“Interes ng bansa ang manatili ang mga imigarnte sa Italya” – Riccardi

“Isang interes ng ating bansa ang hindi mawala ang mga taong kilala na ang ating bansa”

altReggio Calabria, 18 Enero 2012 – “’Walang duda na interes ng bansa ang manatili sa Italya ang mga imigrante na bihasa sa wikang Italyano, at mga naging propesyonal na”.

Ito ang mga sinabi ng Ministro na si Andrea Riccardi sa isang pulong ng press sa prefecture ng Reggio Calabria pagkatapos ng maiinit na isyu ng mga imigrante kay Gioia Tauro at ang pagbisita sa Rosarno.

Pina-alala ang panukala ng Committee on Constitutional Affairs ukol sa pagpapahaba mula anim hanggang isang taon na validity ng permit to stay, at inihayag ni Riccardi na “hindi lamang karapatan o mga pagkakataon para sa imigrante ang tema ngunit isang interes din ng ating bansa na hindi mawala ang ilang mga tao kilala na ang ating bansa.”

Ang kwestyon ay ”ang pag-aaral” ayon sa ministro, na kabilang din ang Ministry of Interior. Sinabi ni Riccardi na bukod sa mga dokumento ay hinihiling din ng mga migrante ang matutunan ang wikang Italyano. “Nakakagulat na ang mga imigrante ay halos nakakulong sa mundo ng kanilang sariling wika.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Integrazionemigranti.gov.it – Ang bagong portal para sa Integrasyon

Minimum Wage 2012 para sa domestic job