Tanging ang mga legal na migrante ang dapat sumagot sa questionnaire, ang iba o mga hindi regular o walang permit to stay ay isusulat sa isang listahan ng walang mga pangalan. Giovannini: “Ang impormasyon na makokolekta ay para lamang sa layuning statistika “. Ilalabas rin ang gabay sa maraming wika.
Rome – Walang nakakaalam kung gaano karaming mga migrante ang sumagot na sa mga questionnaire ng Census, ngunit isang bagay lamang ang tiyak nà: walang dapat ikatakot ang mga walang permit to stay.
“Ang mga regular na migrante lamang sa Italya ang sasagot sa questionnaire,” paliwanag kahapon, ng presidente ng Istat na si Enrico Giovannini, sa isang press con sa Roma ng mga mamamahayag na dayuhan. Isang konsepto ang binigyang diin ng Pinuno ng Kagawaran ng Census, Andrea Mancini: “Hindi kami naghahanap ng mga iligal na dayuhan.”
Sa ikalawang pahina ng questionnaire ay ipinaliwanag na sa List A, ay nakalaan sa mga “taong legal na naninirahan sa isang tahanan” dapat na isulat lamang ang mga pangalan ng dayuhan “na nakarehistro sa Registry o mayroong permit to stay, na maaaring humiling ng renewal o naghihintay ng first issuance”. Ang mga ito ang dapat na sumagot sa lahat ng mga katanungan sa questionnaire.
Ang mga clandestines? Kung sa tahanan ay nananatili o naninirahan ang isang walang permit to stay, ay dapat na isulat sa List B, na nakalaan sa mga “taong pansamantalang nanunuluyan”, na hindi isusulat ang pangalan at isusulat lamang ang kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, address at citizenship. Walang ibang katanungan para sa kanila. “Nais lamang naming alamin kung sa isang tahanan ay mayroong bang bisita at hindi sino siya. Maaaring isang clandestine o turista man ngunit para sa amin ay hindi ito mahalaga”, paliwanag pa ni Mancini.
“Ang mga impormasyong makukuha – dagdag pa ni Giovannini- ay maaaring gamitin lamang para sa layuning statistika at pananaliksik at hindi gagamitin sa administratibong layunin, maliban lamang sa rebisyon ng mga nakarehistro na”. Kaya kahit iligal na migrante na, sa isang pagkakamali ay naisulat ang pangalan sa questionnaire ay maaaring mahimbing na matulog dahil hindi kailanman malalaman ng mga pulis ang kanyang pangalan at tirahan.
Ang census ay mayroong mga katanungan ukol sa immigration, tulad ng kung saan nakatira noong nakaraang taon o nakaraang limang taon. Mayroong mga katanungan kung paaano nakakuha ng italian citizenship at maaari lamang sagutin ng “marriage” o “others”. Ngunit kung ang karamihan ay sa pamamagitan ng paninirahan, ay sa macro-kategoryang “others” ito mapapabilang at wala ang isang mahalagang isyu ng pagiging italyano ng ikalawang henerasyon na ipinanganak at lumaki sa Italya at naging italyano pagsapit ng edad na 18.
Marami ang nagulat ng makitang wala ang mga katanungan ukol sa relihiyon. “Ang census- ayon sa presidente ng Istat – ay hindi ang tamang paraan upang siyasatin ang isang sensitibong impormasyon tulad nito. Ang census ay mayroon ding mga pananaliksik ukol sa mga impormasyong tulad ng relihiyon sa hinaharap.
Ang census ay nagbibigay ng maraming pamamaraan upang ipaalam sa mga migrante, mula sa mga pahayagan sa iba’t ibang wika hanggang sa isang call center o toll-free number 800,069,701 na nagbibigay ng impormasyon at pagpapaliwanag sa iba’t ibang wika. Sa lalong madaling panahon ay matatagpuan online ang mga gabay sa maraming wika kung paano sagutan ang mga questionnaires at maaari ring magpatulong sa mga tauhan ng ‘centri raccolta’ o sa mga tauhan ng census na kakatok sa mga bahay bahay upang kunin ang mga questionnaire na hindi naisumite.
“Kami ay nag-request sa mga munisipyo na pagtuunan ng pansin ang mga dayuhan pati ang kolaborasyon ng mga asosasyon at cultural mediators” sabi pa ni Mancini. At ano ang inyong masasabi sa mga munisipyo na away sa mga detectors na migrante? “Sila ay maaaring magdesisyon ng sarili, ngunit mali at labag sa batas, tulad ng inihayag ng hatol sa korte ng Genoa at Milan.”
Mahalagang tandaan na ang sagutan at isumite ang questionnaire ay isang obligasyon ayon sa batas. Yaong hindi tumugon (o sadyang magbigay ng maling sagot) ay binabalaan, pagkatapos ay maaaring multahan hanggang € 206. Mahirap din itong takasan dahil alam ng mga munisipyo kung saan at kanino ipinadala ang mga questionnaires.
Kung hindi naman sinasadya ang mga pagkakamali ay huwag mag-alala, maaaring tawagan lamang upang alamin at itama ang naging kasagutan. Walang sinuman ay perpekto: “Kahit ako, – pag-amin kahapon ni Giovannini – noong 2001 ay nagkamali ako sa isang sagot sa census …”