Manila, Mayo 27, 2013 – Iprinoklama na ng Comelec ang 14 na nangungunang party-list groups, na siguradong magkakaroon ng tig-iisang puwesto sa Kongreso. Ito ay dahil nakakuha ng dalawang porsyento sa lahat ng boto mula sa party-list election.
Si Commelec Commissioner Elias Yusoph ang nag-anunsyo ng proklamasyon noong nakaraang Biyernes ng umaga.
Ang 14 na grupo ay ang:
Buhay
A-TEACHER
Bayan Muna
1-CARE
Akbayan
Ako Bicol
Abono
OFW Family Club
Gabriela
COOP-NATCCO
Agricultural Sector Alliance of the Philippines
Citizens' Battle Against Corruption
Magdalo Para sa Pilipino
An Waray