in

Mga Dapat malaman sa Gestational Diabetes

Ang Gestational Diabetes ay ang uri ng diabetes na mayroon ang mga buntis.

Ang mga babaeng may gestational diabetes ay may normal na blood sugar kapag hindi buntis ngunit tumataas ang blood sugar tuwing nagbubuntis at kadalasan ay nawawala ang high blood sugar pagkatapos ng pagbubuntis.

Sa panahon ng pagbubuntis, mga 2-5% ng kababaihan ang nagkakaroon ng intolerance o napakatinding sensitibidad sa glucose na kilala bilang gestational diabetes, karaniwan sa pagitan ng ika-26 at ika-28 linggo.

Ito ay dahil sa pagkakalikha ng mga hormone na karaniwan sa pagbubuntis, na sumasalungat sa kilos ng insulin sa katawan.

Ang insulin ay isang hormone na nililikha ng lapay (pancreas) na siyang nagkokontrol sa dami ng glucose (asukal) sa katawan.

Ang gestational diabetes ay nagaganap kapag ang lapay ay hindi makakalikha ng mas mataas na dami ng insulin kaugnay ng mga pagbabago sa hormone, upang maipagpatuloy ang pagkontrol sa dami ng asukal sa katawan.

Ito ay ang uri ng diabetes na mayroon ang mga buntis. Ang mga babaeng may gestational diabetes ay may normal na blood sugar kapag hindi buntis ngunit tumataas ang blood sugar tuwing nagbubuntis. Kadalasan ay nawawala ang high blood sugar pagkatapos manganak ng isang babae.

Mga Sanhi 

Ang gestational diabetes ay nagaganap sa panahon ng pagbubuntis ng mga babae na hindi pa kailanman nagkaroon ng diabetes;

Gayunpaman, kadalasang sila ay natutuklasang may kasaysayan ng type II diabetes sa pamilya, may polycystic ovary syndrome o health condition na nakakaapekto sa insulin, may insulin resistance o mayroong altapresyon, high cholesterol, sakit sa puso at/o naging sobra sa timbang bago magbuntis.

May mas mataas din na posibilidad ng pagkakaroon ng gestational diabetes ang mga babaeng nagbubuntis nang matanda na, o sa nakaraang pagbubuntis ay nagluwal ng sanggol na macrosomic (higit sa 4 na kg).

Komplikasyon o Epekto ng Gestational Diabetes 

Mahalaga na makontrol ang gestational diabetes dahil maaaring makaapekto ito sa babaeng nagdadalang tao at magdulot ng high blood pressure, preeclampsia at pregnancy loss. 

Mga panganib para sa sanggol

Ang pangunahing resulta ng gestational diabetes ay ang nagbagong paglaki ng sanggol sa sinapupunan, na may panganib na ang sanggol ay maisilang na macrosomic, ibig sabihin, masyadong malaki. Ang isang macrosomic na sanggol (higit sa 4 na kg ang timbang) ay may mas mataas na panganib na magiging sobra ang timbang sa pagkabata. Ang peligro ng malpormasyon o hugis na wala sa ayos ay tumataas kung ang dami ng asukal sa dugo ay hindi nakokontrol.

Maaari ring magkaroon ng low blood sugar ang sanggol pagkapanganak, preterm birth, jaundice, problema sa paghinga at kakulangan ng mineral sa dugo.

Sa panahon ng pagbubuntis, napakahalaga na kontrolin ang dami ng glucose sa dugo. Ang sobrang mataas na dami ng glucose sa dugo, na tinatawag na hyperglycemia, ay magpapa-istimula ng pagpapalabas ng insulin sa sanggol sa sinapupunan. Magpapabilis ito sa paglaki ng sanggol.

Sa huling yugto ng pagbubuntis, ang mataas na asukal sa dugo ng ina at ang mataas na insulin sa sanggol sa sinapupunan ay maaaring makaka- ambag sa pagkakaroon ng hypoxia (kakulangan ng oxygen), acidosis, at kamatayan ng sanggol sa sinapupunan.

Mia karagdagang kaalaman 

Hindi tumatagal habang-buhay ang gestational diabetes: sa maraming kaso, nawawala ito pagkatapos manganak.

Ang gestational diabetes ay maaaring magaganap muli sa panahon ng kasunod na pagbubuntis.

Hindi naipapasa ang diabetes sa sanggol.

Sa sapat na kontrol sa glucose sa dugo, ang gestational diabetes ay hindi magiging sanhi ng malpormasyon ng sanggol sa sinapupunan.

PAG IWAS:

a. PAGKAIN NG TAMA – Ang pagkain ng tama ay ang pangunahing paraan ng pagkontrol ng sugar sa dugo. Kailangang kumain ng iba’t-ibang pagkain mula sa bawat uri ng pagkain kada araw. Upang matulungan sa mga pagbabago na kinakailangan sa diyeta, mainam na makipag-ugnayan sa isang rehistradong dietitian. Ito ay isang dalubhasa sa pagkain at nutrisyon. Matutulungan ng dietitian na maunawaan kung paano makakaapekto ang mga tiyak na pagkain sa blood sugar. Maaari niyang turuan ng mga kasanayan na kailangan upang magplano ng masustansiya at balanseng pagkain.

b. PAG-EEHERSISYO- Gumagamit ang katawan ng mas maraming sugar sa dugo kapag nag-eehersisyo. Ang mga eksperto ay maaaring magdesisyon kung anong ehersisyo ang pinakamainam at pinaka angkop at ang mainam na oras upang gawin ang mga ito.

k. PAGSUSURI NG SUGAR SA DUGO- Mainam na magsuri ng sugar sa dugo kahit sa bahay lamang ng 2 o higit pang beses sa isang araw.

PAGSUSURI:

Para malaman kung may gestational diabetes, kailangan na kumonsulta sa doktor upang makapagsagawa ng glucose screening test at oral glucose tolerance test. Magpapayo din ang doktor ng mga dapat kaining pagkain, mga ehersisyo na pwedeng gawin at kung kailangan na ng gamutan ng insulin.

Mahalagang mungkahi mula FNA- ROME sa bawat sintomas o anumang di kanais-nais na pagbabago sa ating katawan agad sumangguni sa Doktor. Hindi sapat ang kadahilanan walang panahon o may trabaho at walang perang panggamot dahil mahalagang ang mga ito ay maagapan o maiwasan. May kasabihang ‘Prevention is better than Cure’ at ‘Ang kalusugan ay sting kayamanan’ at upang tayo ay makaiwas sa mas malaking gastos at magpatuloy pa rin ang pagtatrabaho ng may malusog na pangangatawan”.

 

ni: Mona Liza Dadis

sources: Study of Human Health and Disease Barbara and Cohen 

www.areapubblica.lillysalute.it

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gabay sa Ricongiungimento Familiare Ako Ay Pilipino

Coesione familiare, ano ito?

Salvini kakasuhan!