Naranasan mo na ba ang pabalik-balik sa banyo upang umihi? Ilang minuto lang ang nakakalipas ay naiihi ka na naman? Nang subukan mong umihi ay nakaramdam ka ng hapdi at kirot? Maaaring isa ka sa mga nagtatanong kung ano nga ba ito at ano ang dapat mong gawin.
Ang Urinary Tract Infection o ang tinatawag na UTI ay ang impeksiyon sa parte ng urinary system. Ang mga parte na maaaring maapektuhan ay ang kidneys na nangongolekta ng dumi sa dugo para gawing ihi, ang uretero ang daluyan ng ihi mula sa kidney, bladder na taga-kolekta ng ihi at urethrakung saan dadaan ang ihi palabas ng katawan.
Ang kadalasang naaapektuhan ng impeksiyong ito ay ang mababang parte ng urinary tract– kasama sa parteng ito ang bladder at ang urethra. Lahat ng tao ay maaaring makaranas ng UTI at sa anumang edad. Subalit ang mga babae ang mas madalas na makaranas ng ganitong klase ng impeksiyon kaysa sa mga kalalakihan. Sa kadahilanang, mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, kaya mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksiyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra.
Ang taong apektado sa ganitong impeksiyon ay maaaring makaramdam ng hindi komportableng pananakit sa mababang parte ng katawan. Maaaring makaranas ng pressure o masamang pakiramdam sa abdomen, madalas at malakas na naiihing karamdaman, masakit na pag-ihi, pag-ihi ng madalas pero paunti-unti, malabong itsura ng ihi, ihi na kulay red o kaya pink (senyales na may dugo sa ihi), ihi na mapanghi o masamang amoy, pananakit ng pelvic area sa mga kababaihan, pananakit ng rectal area sa mga kalalakihan, pagkapagod, panginginig at lagnat.
Bacteria ang nagdudulot ng impeksiyon sa urinary tract. Nangyayari ang impeksiyon kapag ang bacteria ay nakapasok sa urinary tract mula sa urethra. May kakayanan ang urinary systemna iwasang makapasok ang mga masasamang bakterya, pero may mga oras din na hindi ito nagagawa. Sa ganitong sitwasyon, ang bakterya ay magpaparami sa loob ng katawan at magdudulot ng impeksiyon. Urethritis ang tawag sa impeksiyon sa urethra.
Nakakapasok ang bakterya sa maraming paraan. Ang pagpunas ng puwet mula sa likod papunta sa harap o papunta sa may-ari, pagkatapos dumumi ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng ganitong impeksiyon. Ang bacteria mula sa pagdumi ay kakalat sa ganitong paraan lalo sa mga kababaihan at mapupunta sa urethra. Ang pakikipagtalik ay isa rin sa mga dahilan kung saan ang baktreya sa ari ay maitutulak papunta sa urethra. Ang mga sakit na dulot ng pakikipagtalik tulad ng herpes, gonorrheaat chlamydiaay nagdudulot din ng UTI.
Kapag pinipigilan naman ang pag-ihi, dadami ang bacteria sa bladder at magdudulot ito ng impeksiyon. Ito ay tinatawag na cystitis. Paggamit ng diaphragmat spermicidespara sa birth controlay isa rin sa mga dahilan ng pagkakaroon ng UTI. Nagdudulot din ng impeksiyon sa urinary tract ang sakit na bato ng kidneys. Pinapahina din ang mga sakit tulad ng diabetes, ang immune systemng katawan na maaaring makapitan ng impeksiyon tulad ng UTI.
Antibiotics ang kadalasang gamot para sa urinary tract infection. Ito ang klase ng gamot na pumapatay sa bacteria na nagdudulot ng impeksiyon. Ang mga antibiotics na kadalasang nirereseta ay Amoxicillin, Ciprofloxacin, Sulfamethoxazole-trimethoprim at iba pa. Mahalagang magpatingin muna sa doctor bago uminom ng antibiotic para mabigyan ng tamang klase ng antibiotic, tamang lakas o dose ng gamot at maturuan ang tamang pag-inum para maging epektibo ang gamot sa pag-alis ng impeksiyon. Kadalasang ipinapainom ang antibiotics ng tatlo hanggang limang araw depende sa antas ng impeksiyon. Kung minsan, ang antibiotic ay kailangang ibigay diretso sa ugat (ito ay kapag malala na ang impeksiyon). Binibigay din ang pain reliever para sa mga taong nakakaramdam ng pananakit dulot ng impeksiyon.
May mga paraan na makakatulong sa pagginhawa ng pakiramdam habang umiinom ng gamot para sa impeksiyon. i) Ang pag-inom ng maraming tubig ay tumutulong mag-diluteng ihi at maglabas ng mga bacteria. Subukan ding uminom ng cranberry juiceat buko juice. ii) Iwasan ang pag-inom ng kape, softdrinks, alak dahil nagdudulot ang mga ito ng iritasyon sa bladder at pinapalala ang sintomas ng impeksiyon. iii) Makakatulong ang paggamit ng heating padsa pagbawas ng masamang pakiramdam sa abdomen.iv) Baking soda– para maiwasan ang progreso ng impeksiyon, subukang magdagdag ng isang kutsaritang baking soda sa isang basong tubig upang makatulong sa pagtanggal ng impeksiyon. binabawasan ng baking soda ang acidityng ihi, na nagpapabilis sa iyong paggaling. v) Vitamin C– may mga doctor na nagrereseta ng Vitamin C 5000mg kada araw o higit pa, para sa mga nakakaranas ng paulit-ulit na impeksiyon sa urinary tract. Tumutulong ang Vitamin C na patibayin ang bladder sa pamamagitan ng pag-acidify ng ihi, para hindi makapasok at sumakop ang masasamang mikrobyo. vi) Pineapple– Bromelain ay isang enzyme mula sa pinya. Ang pagkain ng pinya ay maaaring makatulong labanan ang impeksiyon.
Kailangan ng medical intervention ang UTI na tumagal ng mahigit dalawang araw. Kapag pinabayaan ang UTI, at hindi agad ginamot, maaaring umakyat ang impeksiyon sa kidney hanggang kumalat ito sa iba pang organsng katawan at magdulot ng mas delikadong komplikasyon.
Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkuwento ng pasyente, ngunit kadalasan, ginagawa ang eksaminasyon na urinalysis upang matiyak kung mayroong UTI. Sa urinalysis, sinusuri ang ihi kung may mga mikrobyo, nana o dugo at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksiyong nagaganap.
Para makaiwas sa UTI, ugaliing malinis sa katawan. Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. Regular na gumamit ng feminine wash. Kapag maghuhugas ng puwitan, ang direksiyon ay dapat papalayo sa puerta o daluyan ng ihi. Regular na magpalit ng underwear at huwag gumamit ng masikip na underwear. Uminom ng maraming tubig. Iwasan ang mga junk foodsat maaalat na pagkain.
Ang pakikipagtalik sa iba’t ibang partner ay maaari ring magsanhi ng UTI, pati na rin ang mga sexuallytransmitted diseases. Iwasan ang mga ganitong gawain, o di kaya’y gumamit ng condompara makabawas sa probabilidad na magkakaroon ng impeksiyon. Umihi pagkatapos makipagtalik – may mga pag-aaral na nagsasabing ito ay nakakatulong sa pag-iwas ng UTI.
Tandaan, ang UTI ay maaaring senyales lamang ng mas seryosong sakit na kung papabayaan, maaaring magdulot lamang ng mga komplikasyon. Kaya mas mainam na komunsulta sa doctor kung hindi na maganda ang nararamdaman.
Loralaine R – FNA-Rome
Sources:
www.mga-sakit.com,
www.kalusugan.ph,
www.buhayofw.com,
www.health.wikipilipinas.com