Kabilang sa mga requirements sa pag-aaplay ng permesso UE per soggiornanti di lungo periodo (minimum ng 5 yrs na paninirahan sa Italya, balidong permesso di soggiorno, kaalaman sa italian language), ay ang minimum salary requirement na itinatalaga taun-taon. At ito ay batay sa tinatawag na ‘assegno sociale’.
Para sa taong 2021, ang minimum na halaga ng sahod na itinalaga ay € 5.983,54 o € 460.28 bawat buwan, na may karagdagang pagtaas para sa bawat miyembro ng pamilya na parehong mag-aaplay ng nabanggit na uri ng permesso di soggiorno. Ito ay nadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilya. At sa pagkakaroon ng dalawa o higit pang mga anak na mas bata sa 14 taong gulang ay nadadagdagan ng doble (samakatwid € 11,967.08 para sa 2021).
Ang itinalagang kita o sahod ay maaaring maabot sa pamamagitan ng tinatawag na ‘redditi familiari’ o ang pagsasama-sama ng mga sahod ng mga magkakasamang naninirahan na pamilya at maaaring ilakip ang dokumentasyon – ang dichiarazione dei redditi CUD/Unico, sa aplikasyon sa pamamagitan ng kit postale.
Sa kaso ng Unico, ay kailangang ilakip ang patunay ng pagsusumite nito sa Agenzia delle Entrate at patunay ng pagbabayad ng modello F24.
At kung ang isang dayuhan ay tumatanggap ng pension sa labas ng Italya ay posibleng ilakip din ang dokumentasyon ukol dito.
Nasasaad lamang sa batas ang requirement ng sahod mula sa legal na paraan at samakatwid, anumang requirement ng contratto di tempo indeterminato o patunay sa pagkakaroon ng regular na sahod ng higit sa isang taon ay hindi naaayon sa batas. Kailangang matugunan ang requirement ng sahod para lamang sa taon, bago ang taon ng aplikasyon, kung kailan mayroong dichiarazione dei redditi.
Mga dokumentasyon na mahalaga para sa aplikasyon:
Lavoratori subordinati
Huling busta paga, deklarasyon mula sa employer (na may lakip na kopya ng balidong ID), kung saan nasasaad ang pagpapatuloy ng
trabaho;
Lavoratori domestici
Deklarasyon mula sa employer kung saan nasasaad ang pagtatrabaho, ang panahon, ang halaga ng sahod, kopya ng bollettini Inps ng nagdaang taon;
Lavoratori autonomi
Visura camerale mula sa Camera del Commercio
Liberi professionisti non iscritti alla Camera di Commercio
Certificato di attribuzione della partita IVA
Soci lavoratori delle cooperative
Busta paga, deklarasyon mula sa presidente o rappresentante legale kung saan nasasaad ang pagtatrabaho at ang panahon ng pagta-trabaho. (Atty. Federica Merlo)