in

Required salary 2021 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo

Ang taunang halaga ng assegno sociale o social allowance ay mahalaga para sa mga dayuhan dahil batay dito ay itinalaga ang required salary sa pag-aaplay ng Permesso CE  soggiornanti di lungo periodo o EC long term residence permit (ang dating carta di soggiorno) at ricongiungimento familiare o family reunification process.

Ang EC long term residence permit o permesso per lungo soggiornanti, ay ang uri ng dokumento na minimithi ng maraming dayuhan sa Italya dahil ito ay illimitato o indefinite o walang expiration date, bukod pa sa mas maraming benepisyong nakalaan sa mga holders nito kumpara sa regular na permit to stay.

Kabilang sa mga requirements sa pag-aaplay nito ay ang pagkakaroon ng regular na trabaho. Anuman ang uri ng trabaho – self-employed man o subordinate, at anuman ang hawak na kontrata – indeterminato o determinato man – ay dapat patunayan ng aplikante ang pagkakaroon ng taunang kita o sahod na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale o social allowance.

Sa kasong mag-aaplay din ng nasabing dokumento para sa miyembro ng pamilyang kapisan (convivente), ang kinakailangang sahod ay kailangang proporsyon sa bilang ng mga dependents. Posibleng pagsama-samahin ang lahat ng sahod ng mga miyembro ng pamilyang kapisan na may regular na trabaho sa Italya o ang tinatawag na reddito familiare. Ang kalkulasyon ng kabuuang sahod ay tulad ng sa family reunification.

Para sa taong 2021, ang halaga ng social allowance ay € 5.983,64. Ito ay nangangahulugan na kung ang aplikante ay nag-aaplay lamang para sa kanyang sarili ay kailangang maipakita ang pagkakaroon ng gross annual salary katumbas ng  € 5.983,64 buhat sa lehitimong paraan.

Kung ang aplikasyon ay para rin sa ilang dependents, ang kalkulasyon ng kabuuang taunang kita o sahod na dapat gawin ay ang sumusunod:

Aplikante + 1 miyembro ng pamilya (asawa o anak kahit mas bata sa 14 anyos): € 8.975,46

Aplikante + 2 miyembro ng pamilya (kahit ang isa ay mas bata sa 14 anyos): € 11.967,28

Aplikante + 3 miyembro ng pamilya (kahit ang isa ay mas bata sa 14 anyos): € 14.959,10

Aplikante + 4 miyembro ng pamilya (kahit ang isa ay mas bata sa 14 anyos): € 17.950,92 

Sa aplikasyon ng permesso CE ay kailangan ding ilakip ang Dichiarazione dei redditi (730 o modello Unico) o copia Certificazione Unica o CU ng nakaraang taon, kung saan makikita kung ang sahod ay katumbas o higit sa halaga ng social allowance sa taon ng pag-aaplay (art. 16, talata 3, letra B ng Batas Pambansa 394/99).

Dapat tandaan na sa panahon ng pag-aaplay ng nasabing dokumento, ang aplikante ay kailangang nakapasa na sa italian language test o nagtataglay ng diploma na kinikilala ng batas, ang balidong kopya ng permit to stay sa panahon ng aplikasyon, dapat ding ilakip ang kopya ng sertipiko na nagpapatunay ng pagkakaroon ng angkop na tahanan o ang certificato di idoneità di alloggiativa at ang historical residence certificate o ang certificato storico di residenza. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Overtime sa domestic job, ano ang nasasaad sa batas?

Ora legale, malapit na ang pagbabalik