Ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti o EU long term residence permit ay ibinibigay sa mga dayuhang permanenteng naninirahan sa isa sa mga bansa ng EU at nakakatugon sa mga itinalagang kundisyon ng batas. Ito ay balido sa Europa at nagpapahintulot na makapunta at magkapag-trabaho sa ibang bansa ng EU. Indefinite o walang limitasyon ang validity nito at kailangan lamang gawin ang ‘aggiornamento’.
Basahin din:
- Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay
- Aggiornamento Permesso di Soggiorno UE, kailan dapat gawin? Anu-ano ang mga requirements?
Ang salary requirement 2022 para sa Permesso di Soggiorno UE
Isa sa mahalagang requirement sa pag-aaplay ng permesso UE ay ang pagkakaroon ng itinakdang sahod o kita. Ito ay nagbabago taun-taon batay sa halaga ng Assegno Sociale.
Kung ang aplikasyon ay para sa isang tao lamang
Sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti para sa isang tao lamang ay dapat na may kabuuang sahod o kita na hindi bababa sa halaga ng Assegno Sociale. Para sa taong 2022, ito ay € 6.079,45 o € 467,65 kada buwan.
Kung ang aplikasyon ay para din sa mga dependents na miyembro ng pamilya
Kung ang aplikasyon para din sa mga dependents na miyembro ng pamilya ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sahod na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilya.
Maaari bang idagdag ang sahod o kita ng mga ‘familiari conviventi’?
Kung ang sahod ng aplikante ng permesso di soggiorno UE ay hindi sapat, ay maaaring idagdag ang sahod ng mga ‘familiari convivienti’ o miyembro ng pamilya na kasama sa bahay kahit sila ay walang permesso di sogggiorno UE.
Ngunit kung ang aplikante ay walang sahod o kita, at ang isusumite bilang requirement ay ang buong sahod ng mga ‘familiari convivienti’ o miyembro ng pamilya na kasama sa bahay, ay kakailanganin ang pagkakaroon nila ng permesso di soggiorno UE. Kung wala man sila nito, ay posibleng sabay na silang mag-aplay ng dokumentong nabanggit.
Kailan ba ang pagkakaroon ng contratto indeterminato sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno UE?
Ipinapaalala na hindi kailangan ang pagkakaroon ng contratto di lavoro a tempo indeterminato sa pag-aaplay ng permesso UE. Sa katunayan, hindi ito hinihingi ng batas at sapat na ang pagkakaroon ng required salary.
Paalala: Ang salary requirement para sa pag-aaplay ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti ay katulad ng salary requirement sa pag-aaplay ng ricongiungimento familiare. (PGA)
Basahin din:
- Ano ang Assegno Sociale at bakit importante ang halaga nito para sa mga dayuhan?
- Required salary 2022 para sa Ricongiungimento Familiare