in

Guardians Emigrant, hawak-kamay sa kawanggawa

Ilang grupo ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng Italya ang nagsagawa ng pamimigay ng bahagyang tulong o ayuda. Taos-pusong ipinamamahagi nila ito, maaring mula sa pondo o sa tulong ng bawat miyembro o maari ding mga taong nagbigay tulong sa grupo na alam nilang may magandang layunin sa kapwa. Sa Roma di lamang isang grupo o Filipino Community ang namahagi ng tulong sa kapwa OFWs na naapektuhan ng nasabing krisis sanhi ng Covid 19.

Isa sa mga ito ay ang Guardians Emigrant na may ilang grupo dito sa Italia. Ito ay may 5 Chapters nationwide, ito ay ang Guardians Emigrant RCL, VCIL, AUXILIARY, MONTECATINI, PISTOIA, in coordination with the CENTRAL LEGION. 

Naging matagumpay ang bawat magandang layunin ng grupo. May ilan na ang pamantayan ay para sa mga kababayang nawalan ng trabaho sa panahon ng lockdown at di sumusweldo. Mayron din naman na namahagi sa bawat miyembro nito. Ilang pamilya ang makikita mo talaga na kahit sa kaunting maiaabot ay napakasaya na lalo na ‘yong mga may anak na malilit pa. Mga nagkaron ng matinding karamdaman na naging dahilan para mawalan ng kakayahan para makapagtrabaho. Mayron din namang tinanggal na talaga ng amo sa trabaho dahil sa lockdown. At mayrong iba naman na pinatigil muna habang nasa sitwasyon pa ng pandemic. 

Ayon sa Presidente ng G.E. Montecatini Pres. Mirasol Miranda Cabaltero Secondo “Ang binigyan namin ng ayuda ay yung mga walang nakuhang help from Comune in short yung mga mas nangangailangan. May ilan kaming nabigyan din na nakakuha from Comune kaso hindi sapat at may anak na maliliit.” 

Mula naman sa G.E. Vatican City Italy Legion (VCIL) na pinamumunuan ni PCGS Rhomie Ibhoy Morales sila ay namahagi sa kanilang miyembro at mayron ding ilang mga di miyembro na alam nila na nawalan din ng trabaho.

Isa pa ay ang G.E. Rome City Legion (RCL) na pinamumunuan ni Severino “Stallion” Dodong Maderazo Jr. nakapanayam tungkol dito “Yes po kase nga di kami makalabas, kaya kumuha kami ng isang grupo ng pinoy na pwede gumawa ng distribution. Naglabas na lang po kami ng budget galing sa pondo ng grupo plus sponsors.” 

Mula naman sa G.E. Auxiliary na pinamumunuan ni Dimpz Ignaco ang nasabing Chapter ay nakapamahagi sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mula sa ilang kasama sa grupo at mga kaibigan na nakasuporta. Naging matagumpay ito at hindi natapos sa isang bigayan at nagkaron pa ng 2nd batch, dahil na rin sa patuloy na dumarating na tulong mula sa mga tao na nakakita ng magandang gawain. Maaring masundan pa ito. Naging masipag ang mga opisyales di lang sa kanilang tungkulin pati na rin sa pamamahagi tulad nila Director Marlon “Enting” Mercado at Chapter Adviser Nalyn “Primo” Bercasio Olivera at Teddy Perez. Nangalap sila ng mga pamilya na nawalan ng trabaho pero naging priority nila ang may mga anak na maliliit pa. 

Ayon naman sa panayam sa Presidente ng G.E. Pistoia ang kanilang tulong ay isinagawa sa Pilipinas kwento po ni Pres. Jeff Ella “Ang tulong po namin ay ipinadala sa Pilipinas ang nalikom po naming pera na umabot sa 250 families ang natulungan ay galing sa grupo at sa tulong din nagmula sa G.E. Montecatini at sa iba pang mga tao na nag-abot ng kanilang nakayanan. Ang mga nabigyan po namin ay ang mga tao na kinuha namin sa DSWD ang mga pangalan na talaga pong nangangailangan.” Sambit pa rin nya “Di mo kailangang maging mayaman para makatulong. Maraming paraan

Ang lahat po ng ito ay sinuportahan ng mga nakakataas mula sa G.E. Central Legion sa pamumuno ni Pres. Pcgs Quintin Kentz Bossing Cavite kasama ang iba pang opisyal nito. 

Ayon sa panayam kay Pcgs Ghannie Planner Pascual naging kaagapay sila nila ni Pres. Tina Echague sa bawat proyekto sa abot ng kanilang makakaya. Walang imposible sa bawat magandang hangarin. Pagtutulungan at bukas na puso ang susi sa tagumpay. (ni: Norie Ignaco

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

domestic job Ako Ay Pilipino

Mask, obligado rin sa domestic sector

Cassa Integrazione at Reddito di Emergenza, maaring matanggap pareho?