in

Pagtitiis – Tampok na Paksa sa susunod na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa tagalog

Gaganapin sa Cameri (Novara) mula Hulyo 28, tatlong araw upang matutong maging matiisin

Sa panahong kinabubuhayan natin, kung saan ang karamihan ay naghahangad na makuha agad ang kanilang gusto, naii-stress at kulang sa pagpipigil sa sarili, ang pagiging matiisin ay hindi na itinuturing na isang kagalingan. Para sa marami, ang pagiging matiisin ay nangangahulugang pagsuko sa mga pangyayari sa buhay. Ngunit ano ba ang ibig sabihin ng pagtitiis? Mapapabuti ba ng pagiging matiisin ang ating buhay at kaugnayan sa iba? Ang mga tanong na ito at ang iba pa ay sasagutin sa 2023 kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na may temang “Maging matiisin!” na gaganapin mula Hulyo 28 hanngan Hulyo 30, sa Cameri (Novara) sa tagalog.

Ang pagiging matiisin ay isang mahalagang katangian na kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na buhay,” sinabi ni Alessandro Bertini na tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova. “Sa kabila ng ating pagsisikap, isang hamon ang manatiling matiisin dahil sa dami ng problemang kinakaharap natin sa buhay. Lubhang nakapagtuturo ang tatlong araw na pagtalakay sa mga aspekto ng katangiang ito.”

Tatalakayin mula Biyernes hanggang Linggo, mula Hulyo 28 hanggang Hulyo 30, ang tungkol sa pagiging matiisin, itatampok ang praktikal na kahalagahan nito sa pamamagitan ng mga halimbawa mula sa Bibliya. Ang pinakahihintay na sandali ay ang bautismo ng bagong mananampalataya, na gaganapin sa Sabado ng umaga, ganoon din ang drama na may dalawang bahagi na mapapanood sa Sabado at Linggo ng hapon. Sa buong mundo humigit-kumulang 6,000 kombensiyon na may temang “Maging matiisin!” ang naka-iskedyul ngayong taon. Sa Italya lamang, mahigit na 75 kombensiyon ang gaganapin sa 14 na lunsod.

Dahil sa pandemic, noong 2020 kinansela ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga live na pagtitipon sa buong mundo at, sa loob ng tatlong taon, ginanap ang mga ito sa pamamagitan ng videoconference sa mahigit na 500 wika. “Salamat sa mga online na kombensiyon, milyon-milyong tao sa buong mundo ang nakapanood nito, at ganoon din naprotektahan ang kalusugan ng mga nakibahagi. Inaasam-asam natin ngayong taon na magtipon magkakasama,” ang sabi ni Bertini.

Sa loob ng mahigit 100 taon, sa buong daigdig ang mga Saksi ni Jehova ay nagdaos ng malalaking pagtitipon sa mga istadyum, arena, mga sentro ng kombensiyon at mga teatro. Gaya ng nakasanayan na, ang mga ito ay bukas sa publiko. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa programa o para makahanap ng ibang lugar at petsa ng kombensiyon, bisitahin ang jw.org at pumunta sa seksiyong “Tungkol sa amin”. (PR – Jehovah’s Witnesses Italy)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Beneficiaries ng Carta Risparmio Spesa 2023, inilathala sa mga pangunahing lungsod sa Italya

13-anyos na buntis, pinagsamantalahan ng sariling ama sa loob ng ospital