in

“Tuklas Film Production Search for Singing Star 2010”

Nagpasakit ng ulo ng mga Judges ang nakaraang Search for Singing Star 2010 ng Tuklas Film Production sa pangunguna ni Pres. Mel Briones at EFFG Pres. Alwin Tufanes, dahil sa galing ng mga contestant.  Ito ay ginanap noong Hulyo 04, 2010 sa Palestra Paolo Valenti, Firenze. 

Mahuhusay ang 16 contestant na nagmula sa iba’t ibang bayan ng Italya na nagpaligsahan sa pag-awit. Sila ay sina Gener David, Geraldo Sebastian, Sentiche Remotin, Justine Joy Salazar, Custantino Sharann, Ralph Kabatay, Camille Ann Cabaltera, Chloe Cabaltera, Chris Yap, Jonathan Guerero, Christine Joy Tolentino, Justine Joy Galgana, Jane Kelly Amasona, Jane Jove Aquino at Sabina Fernando de Mesa. 

Dahil sa mga reklamo sa mga nakaraan paligsahan sa pag awit, minabuti nila Mel at Alwin na kumuha ng mga dekalidad at may nalalaman sa musika upang maging hurado sa naturang event.  Sila ay sina Mr. Menandro Zamora, three weeks winner sa Bagong Kampeon, Mr. Mel Briones, six weeks winner sa Bagong Kampeon at ang judge chairman Maestro Joven Rioveros Garcia Jr., siya ay 2 taon sa Conservatory of Music sa UP Diliman, 2 beses din siyang tumugtog sa Bagong Kampeon kasama si Maestro Dominic Salestiano at ang kanyang Orchestra. 

Nagtapos Garcia sa Phil. Naval School Center of Musician at conductor siya ng Sto. Rosario Band, Phils..  “Kumuha na kami ng tunay na mga hurado upang maiwasan ang mga reklamo sa magiging resulta ng paligsahang ito wika nila Mel at Alwin”.  Pumasok sa Top Five sina Sabina Fernando de Mesa,Camille Ann  Cabaltera, Gener David, Justine Joy Salazar at Chris Yap. Umawit sila muli ng isang beses para sa final song upang at dito na kukunin  ang mananalo.  Napakaliit na punto ang naging lamang ng nanalo, patunay na magagaling ang mga nagsipag awit.

Tinanghal na grand winner si CAMILLE ANN CABALTERA ng Monte Catini, sinundan siya ni JUSTINE JOY SALAZAR ng Pisa at pumangatlo si GENER DAVID ng Bologna.  Nagpakulay ng event ang Explosion Dancers, Edward Cabatay, Sugar Cane Band, Tessie Pendergrat, Jonah Mea Gardose at si Zendryll Anne Lagrana ng “IO CANTO”. 

Nagpapasalamat ang organizer sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang naturang paligsahan, sa lahat ng sponsors, sa mga nagbigay kasiyahan na galing pa ng Milano. (Argie Gabay)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Krista Mae Kleiner – Bb. Pilipinas 2010 Miss International

Pagluluto ng Laing