in

Ano ang angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare?

angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare Ako Ay Pilipino

Ang pagkakaroon ng angkop na tirahan ay isa sa pangunahing requirements ng Ricongiungimento Familiare ng miyembro ng pamilya.

Ang mga kinakailangang dokumento ay ang mga sumusunod:

  1. Kopya ng ‘contratto di locazione’, kung umuupa ng appartment. O kopya ng ‘contratto di comodato gratuito’ kung libre at patira sa isang appartment. O kopya ng ‘proprietà di alloggio’ kung pag-aari ang apartment;
  2. Certificato di idoneità abitative e igienico-sanitaria. Ito ay isang sertipiko buhat sa Comune kung saan residente ang aplikante. Ito ang nagpapatunay na ang tirahan ay angkop sa mga nasasaad sa batas at sumusunod sa pamantayan ng hygiene; 
  3. Kung ang aplikante ay declared bilang bisita o ‘ospite’. Deklarasyon mula sa may-ari ng tirahan, na nagpapatunay ng pahintulot na patirahan ang  miyembro ng pamilya na darating sa Italya. At ang pangalan ay nakasulat sa form S2;
  4. Sa kaso ng ricongiungimento familiare ng anak na mas bata sa 14 anyos. Deklarasyon mula sa may-ari ng bahay na may pahintulot sa pagtira ng anak na mas bata sa 14 anyos. Ito ay sa pamamagitan ng form S1

Sakaling ang aplikante ay magbigay ng ibang address ng accommodation o titirahan ng miyembro ng pamilya na darating sa Italya, na iba sa kanyang address, ay tanggapin rin (alinman sa sumusunod na dahilan):

  • May intensyon na lumipat ang aplikante sa ibinigay na address o, 
  • Intensyon ng aplikante na mabigyan ng maayos na akomodasyon ang miyembro ng pamilya kahit nakahiwalay ang tirahan nito sa kanya. 

Samantala, ang mga refugees o mayroong international protection status ay hindi kailangang patunayan ang pagkakaroon ng requirement na ito.

Kahit ang mga dayuhang researchers na nasa Italya na nais papuntahin sa Italya ang miyembro ng pamilya ay hindi rin kailangang patunayan ang pagkakaroon ng accomodation. 

Tandaan na maraming mga prefecture ang nangangailangan ng sertipiko na ang date of issuance ay hindi hihigit sa 6 na buwan. Ito ay sa kabila na balido ang sertipiko o ito ay balido hanggang sa magkaroon ng pagbabago sa komposisyon ng tirahan. 

Bilang alternatiba, ayon sa ilang kaso, ay maaaring maging sapat ang certificato di stato di famiglia kung saan nasasaad ang bilang ng mga naninirahan sa isang bahay. 

Ang kasalukuyang kriteryo bilang pamantayan sa idoneità abitativa

Ito ay inirerekomenda sa pamamagitan ng isang ministerial circular.

Laki para sa bawat naninirahan

  • 1 naninirahan – 14 sqm 
  • 2 mga naninirahan – 28 sqm 
  • 3 mga naninirahan – 42 sqm 
  • 4 na naninirahan – 56 sqm 
  • para sa bawat kasunod na bilang ng mga naninirahan +10 sqm

Komposisyon ng mga Silid

  • Silid-tulugan para sa 1 tao – 9sqm 
  • Silid-tulugan para sa 2 tao – 14sqm + isang sala ng 14sqm 

Mono-stanza o studio unit 

  • 1 tao – 28 sq m (kasama ang banyo) 
  • 2 tao – 38 sqm (kasama ang banyo) 

Minimum na taas 

Ang angkop na tirahan ay kailangang mayroong minimum na taas na 2.70m at bumababa sa 2.55m para sa mga lugar na mabundok at sa 2,40m para sa mga corridor, banyo at storage room. 

Bentilasyon

Ang sala at kusina ay dapat na mayroong bintana na maaaring mabuksan. Ang mga banyo ay dapat na may exhaust fan kung walang bintana. 

Heater

Ang angkop na tirahan ay dapat na mayroong sistema ng heater 

Basahin din:

Ang Gabay sa Ricongiungimento Familiare ay sinulat ni: Avv. Francesco Lombardini, Studio Legale – Viale G. Carducci, 107 – Cesena (FC)Telefono: 338 93 55 808 Email: studiolegale@avvocatofrancescolombardini.it

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya WHO Covid19 Ako Ay Pilipino

Italya, ika-pito sa listahan ng WHO sa bilang ng mga kaso ng Covid19

Ako ay Pilipino

Pinay, namultahan sa paglabag sa anti-covid19 preventive measures