in

Assegno Unico, matatanggap din ba ng mga benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza?

Ang mga benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza (RdC) na mayroong menor de edad sa pamilya, ay hindi nakatanggap ng pinakahihintay na increase ng halaga ng assegni familiari sa buwan ng July 2021. 

Ipinapaalala sa lahat na ang mga tumatanggap ng reddito di cittadinanza ay hindi kailangang magsumite ng aplikasyon upang matanggap ang assegno unico temporaneo na matatanggap mula July hanggang December 2021.  

Ang assegno unico temporaneo para sa mga anak na menor de edad ay kailangang isumite ng mga sumusunod: 

  • Self-employed workers,
  • Unemployed na hindi tumatanggap ng Naspi
  • Pensioners (dating self-employed na mayroong carried na minors)

Samakatwid, ang assegno unico temporaneo para sa mga menor de edad na anak, para sa mga benepisyaryo ng reddito di cittadinanza, ay matatanggap ng awtomatiko at kailangang maghintay ng increase sa halagang natatanggap sa buwan ng Agosto o Setyembre. 

Ang assegno unico temporaneo ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya para sa mga anak na menor de edad. Ito ay para sa sinumang hindi nakakatanggap ng Assegno al Nucleo Familiare (ANF), tulad ng mga self-employed at mga unemployed. Samantala, ang mga mayroong regular na kontrata sa trabaho, tulad ng mga colf, caregivers at babysitters,  ay makakatanggap naman ng Assegno al Nucleo Familiare (ANF). 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sicilia at Sardegna, red code na sa Europa

UK, tinanggal na ang quarantine sa mga bakunado mula sa EU at US