in

Dayuhang pineke ang mga requirements ng Reddito di Cittadinanza, timbog ng Guardia di Finanza

Timbog ng Guardia di Finanza ang mga dayuhang pineke ang mga requirements ng Reddito di Cittadinanza upang matanggap ang benepisyo.  

Isang malawakang operasyon ang ginawa ng Guardia di Finanza sa Genova, sa pakikipagtulungan ng Inps, kung saan natuklasan ang 1,532 mga aplikasyong nagtataglay ng mga pekeng impormasyon mula sa mga dayuhang residente.   

Ayon sa ginawang imbestigasyon, ang mga aplikasyon ay isinumite ng mga dayuhan noong nakaraang taon 2020 sa pamamagitan ng isang Caf. Natuklasan na walang sapat na requirement ang mga aplikanteng dayuhan tulad ng pagiging residente o ang sampung taong paninirahan sa bansa kung saan ang huling dalawang taon nito ay dapat na tuluy-tuloy. 

Sa kabila ng kakulangang ng mga pangunahing requirements ay patuloy na isinumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mali at pekeng impormasyon. Sa kasamaang palad ay nakatanggap pa din ng benepisyo ang mga hindi kwalipikadong aplikante. 

Bukod dito, napag-alaman din na ang natanggap na benepisyo ay hindi ginamit ng mga dayuhan sa pagbili ng prime necessities o pagbili ng mga gamot bagkus ang halagang natanggap, sa pamamagitan ng Postepay card ay nai-convert sa cash sa pakikipag-sabwatan ng ilang negosyante sa sentro ng Genova.  

Naging mabilis ang pagre-report sa Inps ng resulta ng imbestigsayon na tuluyang nagpahinto at nagpawalang-bisa sa pagtanggap ng benepisyo. Tinatayang umabot sa € 3.458.736,04 ang kabuuang halaga ng benepisyo na naibigay sa mga hindi kwalipikado. 

Ang Reddito di Cittadinanza ay isang tulong pinansyal ng gobyerno sa mga nawalan ng trabaho. Layunin nitong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya at maitaguyod muli ang pagbabalik trabaho. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.8]
tour-ako-ay-pilipino

Pagbibiyahe sa labas ng Italya, ang rekomendasyon ng Ministry of Foreign Affairs

Mga organisasyon ng komunidad ng mga Pilipino, muling nagiging aktibo