Makalipas ang isang taon ay dumating na ang pinakahihintay na ‘go signal’ sa Regularization. Ako ay tinawag na ng Sportello Unico per Immigrazione, kasama ang aking employer, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ako masasamahan dahil sa kanyang karamdaman. Ano po ang aking gagawin?
Oktubre 29, 2013 – Kung ang employer ay hindi makakapunta sa itinakdang appointment upang pirmahan ang contratto di soggiorno ay maaaring magtungo ang isang ‘authorized person’. Mayroong dalawang posibilidad sa kasong ito:
– Kung asawa o miyembro ng pamilya hanggang third degree –
samakatwid ay anak, apo , magulang, kapatid na lalaki o babae , tiyuhin -ay maaaring magtungo sa Sportello Unico dala ang simpleng authorization letter o delega in carta semplice, lakip ang 2 kopya ng dokumento; isa sa employer at isa sa authorized person.
– Kung tumutukoy naman sa ibang tao o hindi kabilang sa mga nabanggit sa itaas, ang simpleng authorization letter ay hindi sapat at kinakailang ang isang SPA o special power of attorney o authenticated authorization buhat sa municipal officer.
Sa kasong ang pupunta sa appointment ay ang worker lamang at walang kasamang ‘authorized person’ buhat sa employer , ang Sportello Unico per l’Immigrazione ay gagawa ng ikalawang komunikasyon sa pamamagitan ng registered mail para sa ikalawang appointment. Sa di muling pagpunta ng employer ng walang anumang balidong dahilan, ang pagproseso sa Regularization ay masu-suspinde.
Ipinapa-alala na ang employer na nagsumite ng aplikasyon para sa Regularization ay obligadong tumugon sa tawag ng Sportello Unico o ang gumawa ng authorization letter sa sinumang magtutungo sa Sportello Unico bilang kanyang kahalili, upang pormal na pirmahan ang contratto di soggiorno, maging ang tapusin ang anumang napagkasunduan ukol sa trabaho.
Kinakailangang tukuyin ang dahilan kung sakaling tatapusin ang page-empleyo sa worker at pirmahan ang kontrata sa panahong ipinag-trabaho ng worker. Sa ganitong paraan lamang matutugunan ang administrative at penal na obligasyon na nasasaad sa batas. Nararapat din na bayaran ng employer ang kontribusyon sa Inps para sa panahong ipinag-trabaho ng dayuhan na hindi bababa sa kinakailangang 6 na buwan ng D.Lgs. 16/2012.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]