in

Pilat sa Puso

Ang kwento pong ito ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan. Layuning magbigay-aliw sa mga mambabasa at makapag-hatid ng mabuting aral.
 
Mula sa ITALYA, kausap ni Mon ang kanyang dating asawa na si Rachael.
 “Bakit, ikaw ang mag-aalaga sa aking mga anak. Nasa malayo ka, nandiyan ka sa Italy. Mahirap siguro na mawalay ang bata sa akin. Sino ang mag-aalaga pag kinuha mo ang bata. Masyado pang maliit si Diana para mawalay sa akin”, tanong ni Rachel sa dating asawa na isang ofw sa Italya. 
“Mas mahirap na sa  iyo, ang  pag -alaga kay Diana at Sam. Hindi mo sinabi sa akin  na may asawa ka na at anim pa ang anak mo sa pangatlo mong asawa. Mabuti na lang sumulat sa akin ang aking lola na pinababayaan ko raw kayo. Nanlilimahid ang mga bata ng dalhin mo sa bahay ng matanda. Napahiya ako sa aking lola, alam mo naman na konserbatibo ang matanda”, ayon kay Mon. 
Hindi nakakibo si Rachael sa tinuran ni Mon. Hindi mahalaga kay Mon kung gaano kalaki ang bills na babayaran niya para sa long distance call. Ang mahalaga kay Mon makuha niya ang bata nasa poder ni Rachael pero pansamantalang natigilan si Mon ng hindi niya naririnig ang tinig ng kanyang kausap sa kabilang linya.
 “Pinutol niya ang linya?”,  sabi ni Mon sa saril.
Makailang ulit na dinayal ang numero ng kanyang dating asawa. Pero nanatili siyang bigo na makausap si Rachael.
“Pinagkakait niya sa akin ang aking anak, tatawagin ko ang aking hipag na si Amy para                                                       puntahan at sunduin ang dalawang bata sa Pangasinan”. Ito na lamang ang naisip ni Mon, utusan ang hipag at papuntahan sa probinsya. Kumilos agad ang kanyang hipag para bumiyahe patungo sa Pangasinan at tuluyan ng sunduin ang dalawang bata. Sa tagal ng biyahe niya mula sa Maynila hanggang Pangasinan hindi na matantiya ni Amy ang layo ng biyahe.
 “Kaya pala nangawit ang aking balakang sa haba ng biyahe”, banggit ni Amy sa sarili. 
Tinantiya ni Amy  na ang kanyang  binabaan ay  ang saktong  lugar, ayon sa ibinigay ni Mon  na address. Nilakad niya papasok hanggang sa kinaroroonan ng bahay ni Rachael. Malayo layo rin ang nilakad ni Amy para marating niya ang pupuntahan. 
Nasa harapan na si Amy  ng bahay ni Rachael, bigo niyang makita  ang magkapatid  na si Diana at Sam. Hindi niya inaasahan ang pangatlong asawa ni Rachael ang bubungad sa kanya sa pinto. Tantiya ni Amy parang nabigla ang lalaking tinitiyak niyang asawa iyon ni Rachael.
 “ Wala dito ang aking asawa nasa trabaho”, agad na bungad ni Tonyo sa kaharap.      
 “Alam mo ba kung anong oras darating ang asawa mong si Rachael”,  untag ni Amy
 “Hindi ko alam, pero kung makapag hihintay ka hanggang hapon tiyak na darating iyon”, tugon ni Tonyo.
 “Sige, hihintayin ko na lang”, pagtatangkang tugon ni Amy.
 “Ikaw ang bahala”, ang naging tugon ni Tonyo. 
Pero kumagat na ang dilim hindi pa rin dumarating ang kanyang pakay. Wala rin ang dalawang bata na pakay nito.
 “Aalis na ako, baka wala akong masakyan na bus. Masyado akong gagabihin sa daan”, pag-aalala ni Amy.
 “Ikaw ang bahala”, ang muling tugon ni Tonyo. 
Nasa bukana na siya ng pinto ng inulit niya ang mag paalam sa lalaki na asawa ni Rachael.
Malayo malayo na ang nilalakad ni Amy nang may isang tinig ang narinig niya na malayo sa kanya.
 “Sandali lang ?!” ang mahiwagang tinig
 “huh?!” Sino kaya iyon”, takang tanong ni Amy sa sarili. 
Sinadyang lumapit kay Amy ang mahiwagang babae na bigla na lang lumitaw sa kadiliman ng gabi. Pero walang kakaba-kaba si Amy.
 “Ako si Joy, ang panganay ni Rachael sa unang asawa niya!”, bungad ng dalagita.
 “Ikaw pala si Joy, naririnig ko  na  ang pangalan mo kay Mon. Kaya noon pa lang ay kilala na kita! “Kamusta kana ?”, tanong ni Amy sa kausap.
 “Ok lang ako! Siyangapala bakit kayo napasadya dito sa Pangasinan?!” takang tanong ni Joy sa kaharap.
 “Pinakukuha ni Tito Mon mo ang dalawang bata sa nanay mo, at siya ang mag-aalaga  sa  dalawa. Alam mo ba kung nasaan ang dalawa at ang nanay mo, bakit hindi pa sila dumarating? Malalim na ang gabi,ah!”, ani ni Amy.
 “Ganoon ba?” bahagyang lumingon si Joy sa harap ng kanilang bahay. May kaba man sa kanyang dibdib pero  parang may  isang bulkan na gustong pasabugin si Joy kay Amy.  
 “Hindi nyo makukuha ang dalawang bata!”, bigkas ni Joy. 
 “h-ha?!”…”bakit daw ?”, taking tanong ni Amy. 
“Sinadya ni Mama, na hindi ipaalam sa dalawa ang plano ni Tito  Mon na kukunin sila ng kanilang papa at hindi rin ipinaalam ng mama sa mga bata na  tumawag  si Tito Mon  sa aking mama!”, kwento ng dalagita.                                
 “Anong ibig mong sabihin?!” takang tanong ni Amy.
 “Tinago ni Mama ang dalawa at ayaw niyang ipasama ang dalawa sa iyo!”.Natigalgal si Amy sa narinig niya kay Joy na panganay na anak ni Rachael sa una niyang asawa.
Randam ni Amy ang malaking dagok para kay Mon ang ginagawa nito para makuha ang dalawang bata.
 
ITUTULOY
 
ni: Arnold G. Ramos
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino – Io sono Filippino. Che significa essere filippino?

Minimum Wage para sa taong 2014