Kung ikaw ay nag-aplay ng Italian citizenship, maaari mo bang ipaalam sa amin kung gaano katagal ka nang naghihintay sa kasagutan. Isisiwalat natin ang isang aspetong di-karaniwang pinakikinggan sa proseso nito.
Roma – Hunyo 13, 2012 – 54,000 sa taong 2008, 59,000 sa taong 2009, 66,000 sa taong 2010 … isang patuloy na pagdami sa bilang ng mga naghahangad na maging bagong Italians, lalaki, babae at mga batang ipinanganak sa Italya na magiging mamamayang Italyano. Mahalagang mga datos na naglalarawan ng isang pangarap, ngunit natatago ang mga kwento sa likod ng mga ito.
Huwag nang tanungin kung makatarungang hanapan ng sampung taong legal na paninirahan sa Italya bago ipagkaloob ang pagkamamamayan o ang pagbibigay ng ‘diskwento’ ng dalawang taon para sa mga nag-asawa ng Italyano. At isang-tabi muna, sa pagkakataong ito, ang kawalan ng katarungan sa ikalawang henerasyon, mga lalaki at babae na ipinanganak at lumaki dito, na itinuturing na mga dayuhan hanggang sa sumapit ang ika-18 taong gulang.
Hayaang magpanggap upang malimutan ang kinakailangang agarang reporma at mag focus na lamang sa mga karagdagang parusa sa mga naghahangad na maging Italians sa kasalukuyan, na nagdudusa upang likumin ang mga rikisitong kinakailangan ng batas, sa pagitan ng panahon ng pagsususmite ng aplikasyon (kasabay ang pagbabayad ng € 200) hanggang sa panahon ng pagiging isang ganap na mamamayan ng bansang ito. Ang upisyal na komunikasyon ukol sa panahon ng paghihintay ay hindi naming natagpuan, aming pinakinggan na lamang ang mga patotoo ng mga aplikante.
Kung ikaw ay naging mamamayang Italyano na, o kung nag-aplay pa lamang, o kung mayroon mga kaibigan o kamag-anak sa sitwasyon na ito, maaaring i-kwento sa amin kung gaano katagal bilang dayuhan o para sa anong dahilan ninanais mong maging isang mamamayang italyano, ngunit lalong higit gaano katagal ang naging paghihintay para sa isang kasagutan o kung sakaling mayroong komplikasyon sa pag-proseso nito.
Para saan ito? Upang ipaalam sa lahat ang aspetong importante na karaniwang binabale wala ng proseso ng citizenship, pagkatapos ay ang ipaunawa sa pamahalaan, na ang 200 euros ay naghahanap ng maayos na trabaho katumbas nito. Marahil para sa isang tunay na reporma ay nangangailangan pa ng mahabang panahon, ngunit ang isang batas na magbibigay proteksyon sa kakulangan ng burokrasya. Mas maraming tinig, mas medaling hilingan ang mapakinggan.