in

OFW sa Toskana, ipinagdiwang ang Araw ng mga Migrante

Huli man daw at magaling, matagumpay pa rin!

Idinaos ang paggunita sa araw ng mga mangagawa sa pamumuno ng CFCT – o Centro Coordinamento Filipino Leadears in Toscana nitong nagdaang Enero 6, 2018. Ginanap ito sa Circolo AICS Le Cure, via Luigi La Vista 1, syudad ng Firenze.

Inilinaw ng kasalukuyang Pangulo ng alyansa ang layunin ng pagtitipon.., “mahalaga na palagian gunitain ang Araw ng mga mangagawa, upang bigyan ng halaga ang ating hanay bilang mga OFW at ang pagbibigkis ng mga samahan para sa kapakanan at kagalingan ng lahat. Mailahad ang mga naging tagumpay at ipagpatuloy na maging boses na nagsusulong ng ating mga karapatan at kagalingan”, aniya ni Divinia Capalad , Tagapangulo ng CFCT.

Kaisa ang Consulato Generale della Repubblica delle Filippine , Dott. Franco Biagini, Avv. Marco Boni at si Gng. Simona Amerighi na kumatawan kay Hon. Consul General Dott. Fabio Fanfani. Nag-alay si Bro. Erick Abutin ng isang panalangin, “basbasan at kasihan ng Panginoong Maykapal ang bawat puso, isipan ng mga kasaping pinuno ng sa gayon ay magabayan ito sa pagpapatupad ng mga adhikain magsisilbi sa sektor ng mga mangagawa sa abrod, sa Toskana at sa buong Italya”.

Umapaw ang suporta at pakikiisa ng mga samahan sa buong rehiyon kagaya ng Red Soil, Mindorenians in Florence, Quezonian, Mabinians, Saranay Group, Timpuyog, Sta Catalina, San Agustin Alaminos Laguna, Santo Rosario Religious Association, ADIMEF, Pentecostal Missionary Church of Christ, RBGPII Firenze, G.E. Montecatini, Pinoy in Pistoia, ADIFF Prato, Brgy. Laurel Prato, MQBB, Filipino Independenza Group, FGG Friends and Company, FNAT, Fil-Socio Culturale and Sports, Tau Gamma Phi, Aguman Kapampangan, Ofw Watch Tuscany at OFW Watch Italy.

Masigla, mainit at puspos ng kagalakan ang naging pagdaraos ng selebrasyon. May mga naghandog ng sayaw at awitin. Busog sa mga dinalang pagkain at inumin mula sa bawat samahan. Bumuhos ang tulong at donasyon, kusa at bukal sa loob ang pag-aambag ng suporta, talino, panahon, kaalaman teknikal, pagkain at di matatawaran panahon ng mga nagpasimuno, magkasama-sama lamang sa isang napakahalagang pagtitipon.

Nagkaroon din ng pag-uulat sa mga idinaos na programa ng CFCT. Binaybay ang isang taong pag-iral ng Alyansa sa larangan ng Serbisyo, Socio Culturale at Palakasan, mga talakayan na idinaos, pagsuporta sa programa ng Konsulato tulad ng Mobile Outreach at pag-asiste sa mga kapwa OFW na nangangailangan ng tulong halimbawa nito ang kaso ni Godfredo Agcaoili.

Tinalakay din ang Legge Salvini at epekto nito sa mga OFW – dokumentado man o hindi. Pinayuhan na dapat palaging dala-dala ang Soggiorno, tumugon sa mga komunikasyon na pinapadala ng awtoridad, huwag masangkot sa krimen lalo na ang droga, paghigpit ng rekisitos sa aplikasyon ng pagiging Italyano at pagbabawas sa mga serbisyo at pribilehiyo ng isang regular na mangagawa sa Italya.

Bago nagtapos ang programa, nagbigay di ng Plake ng Pagkilala bilang pasasalamat sa patuloy sa suporta ng mga kasaping samahan. Ipinakilala din ang mga Pilipino na naging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo sa Italya at Pilipinas, ang mag-asawang Tolentino na nakapagtayo ng isang Hotel sa Mindoro at si Gng. Donna Melo na nag-mamay-ari naman ng Hotel Dalmazia sa Firenze. Pinangunahan ni G. Kentz Bossing Cavite , Bb- Judee Barcenas at Bb. Arlene Abutin bilang guro ng palatuntunan ang pagbubukas ng programa, mga palaro at pagkilala sa mga naging panauhin.

Ibarra Banaag

larawan: Shot on Oppo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza, mga dapat malaman

Magkapatid na pusher, huli sa Empoli