in

Pagbibiyahe sa labas ng Italya, ang rekomendasyon ng Ministry of Foreign Affairs

tour-ako-ay-pilipino

Ang mga kaso ng Covid19 ay muling tumataas sa buong Europa. Narito ang rekomendasyon ng Ministry of Foreign Affairs (Farnesina) sa pagbibyahe sa ibang bansa.

 

Ang bilang ng mga positibo sa Covid ay patuloy na nadaragdagan araw-araw sa maraming mga bansa sa Europa. Bagaman malayo naman ang bilang ng Italya, ay nangangamba ang Farnesina sa sitwasyon sa Europa. Sa loob lamang ng ilang linggo ay Agosto na, ang buwan ng bakasyon sa Italya at samakatwid, ito ay nangangahulugan ng panahon ng pagbibiyahe sa Europa at sa buong mundo. 

Kaugnay nito, naglabas ng komunikasyon ang Ministry of Foreign Affairs na nagbibigay babala sa mga magbibiyahe sa posibleng hindi kasiya-siyang mga kaganapan. 

Mula Enero 2020, ang emerhensiyang pangkalusugan na sanhi ng Covid-19 ay nagpapatuloy sa buong mundo. Lahat ng mga nagbabalak na pumunta sa ibang bansa, anuman ang bansang destinasyon at dahilan ng pagbibiyahe, ay dapat isaalang-alang na ang panahong ito ay maaaring maging mapanganib sa kalusugan”. 

Laman ng komunikasyon ang mga rekomendayson at payo sa lahat ng pag-iingat upang maiwasan ang lahat ng panganib.

Partikular sa kasong kakailanganin ang pagsasailalim sa Covid test – molecular o rapid – sa muling pagpasok sa bansa ay kailangang isaalang-alang ang posibleng paglabas ng positibong resulta nito. Ito ay nangangahulugan ng quarantine o isolation at higit na pananatili sa bansang pupuntahan kung saan dapat ihanda din ang sarili. Kaugnay nito, ipinapayo ng Farnesina ang pagkakaroon ng health insurance na may coverage sa Covid19. 

Samakatwid, ipinapayong iwasan muna ang pagbibiyahe sa labas ng Italya upang maiwasn ang mga nabanggit na panganib at manatili na lamang sa mga tourists places sa Italya. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

Aplikasyon ng Assegno per il Nucleo Familiare ANF 2021 sa domestic job, narito kung paano

Dayuhang pineke ang mga requirements ng Reddito di Cittadinanza, timbog ng Guardia di Finanza