in

Sahod ng mga colf at caregivers, bahagyang tataas ngayong 2024

Bahagyang tataas ang sahod ng mga colf at caregivers sa Italya sa taong 2024.

Kamakailan ay pinirmahan ang kasunduan ng National Committee para sa pagtatakda ng bagong minimum wage sa sektor ngayong taon hatid ng pagbabago sa cost of living sa bansa.

Ang bagong minimum salary sa domestic job ay epektibo mula January 1, 2024. Ito ay bahagyang tumaas ng 0,56% sa sahod noong 2023 at tumutugon ito sa 0.70%ng Istat index. Batay sa artikulo 38 ng Contratto Collettivo Nazionale, anumang pagbabago sa Istat Price Index ay magkaroon ng awtomatikong epekto sa sahod sa domestic job.

Gayunpaman, binigyang diin ng Federazione Italiana dei datori di lavoro domestico Federation na minimal lamang ang pagtaas sa sahod. Narito ang halimbawa.

Karaniwang ang isang part timer na colf na level B ang antas sa kontrata, ay tataas ang sahod mula €6,58 sa €6,62 kada oras, isang pagtaas ng 0,04 lamang kada oras, habang ang caregiver na nakalive-in sa persona non autosufficiente, na nasa level Cs sa kontrata ay tataas ang sahod mula €1120,76 sa € 1127,04 kada buwan, isang pagtaas €6,28.

Minimum Salary 2024 sa Domestic Job

PAALALA: Nagtalaga ang CCNL ng iba’t ibang antas sa domestic job: A, B, C, D at bawat antas ay maaaring base o super. Ang minimum wage ay nag-iiba ayon sa antas at kung ang manggagawa ay live-in o part-timer, kung nagbibigay assistance o presence lamang o bilang substitute. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Bonus Animali Domestici 2024, narito ang mga dapat malaman

Italy, nangunguna sa world ranking ng most powerful passport