in

Mga benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza, patuloy na kinokontrol ng awtoridad

benepisyaryo Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Patuloy na kinokontrol at tumitindi ang pagsusuri ng mga awtoridad sa mga benepisyayro o tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza. Ito ay isang tulong pinansyal sa mga nawalan ng trabaho. Layunin nitong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya at maitaguyod muli ang pagbabalik trabaho. 

Tinatayang aabot sa 48,000 ang mga nabuking ng Inps at Guardia di Finanza na may magagarang sasakyan ngunit sa loob ng wallet ay matatagpuan ang reddito di cittadinanza card

Sa katunayan, simula ng inilunsad ang benepisyo ay mayroong 41,500 ang tinanggalan at binawian ng benepisyo dahil sa pekeng deklarasyon ukol sa sahod at assets, para matanggap ang tulong pinansyal. Sa bilang na ito ay idadagdag ang 6,000 na inihinto naman ang pagbibigay ng benepisyo dahil sa ‘nakalimutan’ diumano ang pagbibigay ng update sa Inps ukol sa sahod na lumampas na sa pamantayan upang ang tulong ay matanggap. 

Dahil sa mga nabanggit, tumitindi ang pagsusuri ng mga awtoridad. Sa Napoli lamang ay natuklasan ang 120 benepisyaryo ang sinampahan ng kaso dahil pinalsipika ang mga dokumento at tinatayang nakatanggap ng 1 milyong euro sa loob ng dalawang taon. Umabot na sa bilang na 307 (sa loob ng 3 milyong benepisyaryo) ang tinanggalan ng reddito di cittadinanza dahil sa mafia. 

Sa kasalukuyan, sa bagong uri ng pagkokontrol, ang Inps, sa tulong ng mga datos mula Aci, Agenzia delle Entrate at Ministero di Giustizia at mga Regione, ay inaasahang tataas pa ang bilang ng mga mabubuking na pekeng benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ferie o bakasyon Ako Ay Pilipino

Hindi pagkaka-unawaan ukol sa ferie o bakasyon? Isang maikling gabay.

appointment bakuna over 80s Lazio Ako Ay Pilipino

February 1, simula ng appointment para sa bakuna ng mga over 80s sa Lazio