Ang mga Pilipino na naghihintay ng Regularization ay maaaring magpabakuna kontra Covid19 sa Itaya. Ngunit dahil hindi pa tapos ang proseso nito ay hindi makakapag-book online sa mga platform ng mga Rehiyon para sa bakuna kontra Covid19. Ano ang dapat gawin?
Ang proseso ng Regularization ay dumadaan sa matinding delayed, dahil sa mabagal na proseso nito sanhi ng Covid19. Ngunit ito ay hindi hadlang upang makapagpa-bakuna ang dayuhang naghihintay maging regular sa bansa.
At dahil nasimulan na ang proseso nito, ang dayuhan ay may karapatan sa pag-aaplay at pagkakaroon ng tessera sanitaria provvisoria. Bukod pa sa pagkakaroon ng codice fiscale provvisorio.
Sa pamamagitan ng mga dokumentong nabanggit, na nagpapatunay ng paghihintay sa Regularization, sa ilang rehiyon ay pinahihintulutan ang direktang pagpunta sa hub vaccinale o vaccination center. Sa ibang Rehiyon naman ay sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Samantala, tulad sa Lombardia, ay kasabay na naibo-book ang mga caregivers (kahit naghihintay ng Regularization) ng mga inaalagaang may matinding karamdaman at kapansanan.
Gayunpaman, ipinapaalala na bawat Rehiyon ay mayroong kanya-kanyang platform sa pagbo-book ng appointment para sa bakuna. Ipinapayo ang bisitahin ang official website ng rehiyon, ang platform at ang mga telephone numbers para sa pagpapa-book ng appointment. (PGA)
Basahin din:
- Caregivers, kasabay ng inaalagaan sa booking online ng bakuna sa Lombardia
- Undocumented, may karapatan bang mabakunahan kontra Covid19 sa Italya?
- Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa mga Rehiyon ng Abruzzo, Basilicata, Campania, Calabria, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria at Lombardia.
- Narito kung paano makakakuha ng appointment para sa bakuna laban Covid sa mga Rehiyon ng Marche, Molise, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Toscana, PA di Bolzano, PA di Trento, Umbria, Valle D’Aosta, Veneto.