Ang €200 bonus na natatanggap na at matatanggap pa ng maraming mga manggagawa sa Italya, ay buong matatanggap, anuman ang haba ng oras ng trabaho – part time o full time – at anuman ang uri ng kontrata, sa kundisyong nakatutugon sa mga requirements na itinalaga ng batas.
Ito ay nasasaad sa Decreto Aiuti bilag ayuda para sa mga manggagawa – employed at self-employed, mga pensyonado, mga walang trabaho at tumatanggap ng Naspi at Reddito di Cittadinanza, domestic workers – colf, caregivers at babysitter.
Ang € 200 bonus ay matatanggap ng isang beses at ang halaga nito ay pareho para sa lahat.