Ang bagong tulong-pinansyal ay inaasahang magsisimula sa Lombardy region sa nalalapit na Oktubre. Gobernor ng Lega: “Esklusibong para sa mga Italians at Europeans lamang”.
Milan – Hunyo 12, 2015 –Ang reddito di cittadinanza sa Lombardy? Ngunit hindi pa malinaw kung paano ibibigay ang marahil 700 euros kada buwan at kung gaano ang pangangailangan ng pamilya upang matawag na ‘mahirap’ ngunit isang bagay pa lamang ang sigurado: hindi ito ibibigay sa mga non-EU nationals.
Kinumpirma ni Governor Roberto Maroni ang hangarin nito kamakailan sa Regional Council na ipakilala ang bagong tulong-pinansyal na magsisimula sa Oktubre at binigyang diin: “Ito ay tulong para sa mga mamamayan lamang o para sa mga mamamayang Italyano at Europeo lamang”. At binigyang katwiran ito sa pamamagitan ng “Ito ay ang kondisyon ng European Social Fund, at samakatuwid sa panukalang ito ay hindi kasali ang mga taong walang citizenship"
Ngunit, ang direktiba ng Europa ay ang ipatas ang mga Italians at Europeans, sa pagbibigay ng mga social services, ang mga dayuhan na mayroong permit to stay na pinapahintulutan ang mga ito upang makapag-trabaho. Maging ang requirement ng tagal ng pagiging residente sa Region, na isa sa mga ipotesi na lumabas nitong linggo, na sa ibang katulad na kaso ay idineklarang labag sa konstitusyon ng consultative body o Consulta. Kung tunay na hindi kabilang ang mga migrante sa ‘reddito di cittadinanza’, ang kwestyon ay tiyak na makakarating sa hukom, tulad ng banta ng mga asosasyong Asgi at Avvocati per Niente.
Tila hindi updated si Maroni. “Maglalaan kami ng tinatayang 250 million euros upang matugunan ang ‘reddito di cittadinnnza’ simula Oktubre 2015 hanggang Disyembre 2016, ito ang halagang nais naming mahusay na gastusin at gamitin upang matulungan ang mga nangangailangan at marami ang mga nangangailangan sa Lombardy region. Sa halagang ito ay idadagdag ang 227 million ng European Social Fund, na hahatiin sa anim (6) na taon mula 2014 hanggang 2020 at ang mga resources na ito ay magpapahintulot upang gumawa ng mga mapait na desisyon”, paliwanag pa ni Maroni.
Samakatwid, isang paglilinaw, “isang paanyaya para sa pagsusumikap ng lahat, na may layuning makahanap ng makabagong solusyon sa sinumang mayroong italian at european citizenship”.