Mayroong ilang uri ng mga permesso di soggiorno na nangangailangan ng kita o sahod mula sa isang lehitimong paraan upang hindi umasa sa tulong ng gobyerno.
Kabilang sa mga ito ang permesso di soggiorno per motivo di lavoro subordinato, permesso di soggiorno per lavoro autonomo, permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo at iba pa.
Mayroon din ilang uri ng permesso di soggiorno na hindi naman nangangailangan ng pagkakaroon ng sahod o kita tulad ng protezione sussidiaria, status di rifugiato o asilo politico, cure mediche at iba pa.
Ayon sa batas ng Jan. 1 1996, taun-taon ang minimum salary required sa pagkakaroon ng permesso di soggiorno sa Italya ay inilalathala ng Inps. Ito ay ang tinatawag na Assegno Sociale. Ang halaga ng assegno sociale ay ang halagang pamantayan na ginagamit ng batas upang suriin ang kakayahang pinansyal ng mga dayuhan sa kanilang mga dokumentasyon, partikular ng permesso di soggiorno.
Bukod dito, ang assegno sociale ay ang benepisyo o halagang ibinibigay sa mga mamamayang Italyano, EU nationals at mga non-EU nationals na mayroong EC long term residence permit, na walang sapat na kita o sahod upang matugunan ang sariling pangangailangan.
Basahin din:
Samakatwid, para sa renewal ng permesso di soggiorno, ang dayuhang aplikante ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng sahod o kita na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale na itinatalaga ng batas.
Basahin din:
Para sa taong 2021, ang minimum salary required para sa renewal ng permesso di soggiorno ay € 460,28 kada buwan, o € 5.983,64 sa isang taon. Para sa mag-asawa, ang halagang kinakailangan para sa renewal ng permesso di soggiorno ay € 11.967,28 o ang doble ng halaga ng assegno sociale.
Samantala, ang required salary ay nadadagdagan ng kalahati ng halaga ng assegno sociale para sa bawat miyembro ng pamilya na carico.
Tandaan na upang matukoy ang kita o sahod, ay isinasaalng-alang din ang kabuuang taunang kita o sahod ng mga miyembro ng pamilya na kasamang naninirahan ng aplikante o ang tinatawag na conviventi.
Ang nabanggit na minimum required salary ay ang pamantayang ginagamit din para sa Ricongiungimento Familiare o Family Reunification Process. (PGA)
Basahin din: